^

PSN Showbiz

Bossing, hindi nagpagarbo sa kanyang 68th birthday

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bossing, hindi nagpagarbo sa kanyang 68th birthday
Sotto family.

Simpleng dinner lang ang inihanda ng pamilya ni Vic Sotto para sa kanyang 68th birthday. Nagsalu-salo lang sila na dinaluhan ng mga anak ni Bossing, mga kapatid at iba pang miyembro ng pamilya.

Nung makatsikahan namin si Pauleen Luna, sinasabi niyang wala naman daw talaga silang balak na magpa-party. Ang mahalaga ay nandiyan ang mga anak niya. “Simple lang. Basta kasama niya ang mga anak niya.

“Of course, family first. ‘Yun naman talaga ‘yung prayoridad. So, basta sama sama, kain lang ng dinner. Ganun lang,” pahayag ni Pauleen.

Mabuti nga sa gitna ng pangangampanya ni Mayor Vico Sotto sa Pasig, nakadalo siya para maki-celebrate sa kanyang ama.

Sa kabila rin ng kaabalahan sa pag-iikot si Senate President Tito Sotto, nakahabol din ito sa nasabing dinner.

Nauna nang sinabi ni Pauleen na lagi silang available kapag kailangan sila ni Tito Sen sa pangangampanya. “Kami naman anytime, may tumawag sa amin, isang kalabit lang kami, we’ll be there e.

“You know kahit may pandemic, it’s really time to support one another. Siyempre, doble ingat na lang. Pamilya kasi kami e. And you know, family comes first. Todo suporta all the way. Kaya, like what I said, nagpiprisinta kami. Minsan yayain kami, of course, all out ang support,” pahayag ni Pauleen.

Hindi na lang daw sila sumasali sa mainit na balitaktakan, at aware rin sila na ang ibang malalapit na kaibigan ay iba ang susuportahan.

“Respetuhan lang naman. Wala namang pilitan.

“Siyempre, may kanya-kanyang opinyon ‘yan. Pero, siyempre there’s a line. Basta lang wala namang bastusan, okay lang. Pero of course, we all respect each other’s opinions and bets, just like how they would respect ours. Pero hindi mo maiwasan, minsan may mga foul ka talagang makikita. Minsan kasi dalang-dala talaga ‘yung mga tao,” saad ni Pauleen.

Kung nagkakasira ang mga kaibigan dahil sa pulitika, dito naman nakikita ang pagbibigkis ng isang pamilya para magbigay ng suporta sa isa’t isa.

Kagaya rin ni Sen. Bong Revilla, mas hirap daw siya ngayon sa pangangampanya kung ikukumpara nung tumatakbo siyang Senador.

All-out ang suporta niya sa Agimat Partylist na kung saan nasa first nominee ang panganay niyang anak na si Bryan Revilla.

Bilang ama ay lahat gagawin para sa iyong anak at sa paniniwala mong makapagsilbi sa taumbayan. Kaya kahit halos nasusunog na raw ang balat niya sa kamu-motorcade, at nawawalan na raw siya ng boses, okay lang sa kanya at tuluy-tuloy ang ginagawa niyang pag-iikot para ikampanya ang binuo nilang Agimat Partylist.

“Siguro nakapag-isip na tayo kung sino ang iboboto natin, kung sino ang nasa puso natin na tingin natin makapaglingkod nang tapat sa taumbayan.

“Sana tanggapin na lang kung ano ang resulta ng halalan, na walang gulo at sakitan,” bahagi ng pahayag ni Sen. Bong sa kanyang Facebook live nang papunta siya ng Masbate.

Tonton at Buboy, naalala ang hirap sa paglilihi ng asawa

Meron na rin palang tipo ng False Positive na ginawang drama series ng ibang bansa. Kagaya ng isang Japanese series na He’s Expecting na kung saan naranasan ng lead actor na mabuntis.

Dito sa False Positive ay ipapadama kay Edward na ginagampanan ni Xian Lim ang hirap na pinagdaanan ng isang babaeng buntis.

Ilan sa nasa cast ng False Positive ay nagbahagi ng kanilang experience sa kanilang asawang buntis.

Si Tonton Gutierrez na gumaganap bilang si Rodrigo dela Guardia, naintindihan daw niya ang pinagdaanan ni Glydel Mercado nung naglilihi ito, kaya pinagbibigyan daw niya lahat ng mga hiling nito kahit mahirap pero masarap naman daw.

“Kasi may panahon na naglilihi siya ng santol pero hindi season ng santol. Lahat ng fruit stand sa Quezon City napuntahan ko, umabot ako ng Makati, umabot ako ng Maynila, wala akong nakitang santol.

“Ilang araw kong hinanap ‘yan, siguro a week. One time, nagkausap kami ni Pekto. Nakuwento ko kay Pekto na ang asawa ko naglilihi ng santol, e hindi naman panahon ngayon ‘yun e.

“Sabi niya, diyan sa may bahay ng lola ko me­rong santol. Sabi ko saan. Sa may Fairview daw.

“Pinuntahan ko. Umuwi na ako kay Glyds, eto na ‘yung santol. ‘E, hindi ko na gusto e.’

“Almost two weeks na everyday ko hinahanap ‘yun. Lahat naman ng pinaglihian niya, mga naiisip niya na kainin, nag-effort naman talaga ko na ibigay sa kanya,”  pag-alala ni Tonton sa nakaraang mediacon ng False Positive na magsisimula na sa Lunes, sa GMA Telebabad.

Ganundin daw ang experience ni Buboy Villar na gumaganap namang si Malakas sa naturang drama series. Pinahirapan din daw siya ng dati niyang karelasyon, nung naglilihi ito. “One time na naglilihi ang ex ko nun, gusto niya ng grapes na walang buto. Ayaw niya na may buto.

“Naghanap ako, pumunta ako kung saan saan na market, sa Muñoz, sa Commonwealth, talagang wala.

“Although, may nahanap ako sa may Farmers. Pagdating ko, pakwan na pala ang gusto niya.

“May pikon ako. Kasi alas-tres ng madaling araw, talagang hindi siya makatulog.

“Pero siyempre, bilang isang partner niya, ayoko rin naman siya na malungkot. Ayokong maramdaman niya na parang hindi siya inaalagaan siyempre.”

Alam daw niya kung gaano kahirap ang pinag­daraanan ng isang babaeng nanganganak, kaya saludo raw siya sa lahat ng nanay.

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with