^

PSN Showbiz

Janella at Markus, hiwalay na?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Janella at Markus, hiwalay na?!
Baby Jude, Markus at Janella.

Matagal nang pinag-uusapan na split na raw sina Janella Salvador at Markus Paterson.

Iyan naman ay speculation lang ng followers nila at pinag-uusapan naman openly pero walang statement ang sino man sa kanilang dalawa.

Gusto naming isipin na ang hindi nila pagpo-post ng pictures na hindi magkasama sa social media ay isang career move lamang at hindi naman nanga­ngahulugan na hiwalay na sila. Kung iisipin mo kasi ang pinagdaanan nila noon para mabuo ang kanilang pamilya, at ang katotohanang nagkakasundo naman ang mga pamilya nila, sayang naman kung ang kanilang relasyon ay mauuwi lamang sa isang paghihiwalay.

Makikita mo naman kay Markus ang pagsisikap niya noon, dinala niya si Janella sa England para manganak. Isinama rin niya roon pati ang ermat ni Janella na si Jenine Desiderio at ang kapatid nito. Iyon lang ay napakalaking bagay na.

Ang gusto nila ay makaiwas si Janella at ang kanilang anak sa mga intriga na mahirap iwasan kung dito siya nanganak. Noong maayos na ang lahat, umuwi rin naman sila sa Pilipinas para ituloy ang kanilang career.

Pero iyon ang nakita naming problema, dahil nga siguro sa nangyaring pandemic, at dahil nawalan din ng franchise ang ABS-CBN, na­ging uncertain din ang career nilang dalawa.

Umugong din ang tsismis na napapadalas daw yata ang pakikipag-inuman ni Markus, at madalas na mainit rin ang ulo, at iyon daw ang dahilan ng conflict nilang dalawa.

Lumalabas ayon sa ilang sources na tahimik na naghiwalay ang dalawa.

Hindi nga siguro nila problema kung mag-split man dahil hindi naman sila nagpakasal, pero nakakahinayang ang kanilang relasyon at ang matagal na rin naman nilang pagsasama. Idagdag mo pa roon ang kanilang responsibilidad sa kanilang anak. Sana hindi totoo ang tsismis.

Dating head ng Star Cinema, ‘di iiwan ang ABS-CBN

Nagpalit ng head ang Star Cinema o ang ABS-CBN Films. Ang bago nilang COO ay si Kriz Gazmen na dati namang business unit head ng Black Sheep, isa sa mga subsidiary ng ABS-CBN Film Production na noon ay gumagawa ng experimental projects para sa kumpanya.

Pero sa loob ng nakaraang dalawang taon ay wala nga ring nagawa ang dating head ng Star Cinema na si Olivia Lamasan, dahil una nagkaroon nga ng lockdown at nasara ang lahat ng mga sinehan. Tapos nawalan din ng franchise ang ABS-CBN  na siya nilang main company at nagbibigay ng suporta sa kanila.

Hindi natin maikakaila na nagiging hit ang mga pelikula ng Star Cine­ma dahil sa impluwensiya at promo ng ABS-CBN.

Pero hindi naman daw mawawala si Olive, mananatili siyang consultant ng kumpanya para sa content.

Hindi namin alam kung nananatili pa ring consultant ang dating exe­cutive director ng kumpanya na si Malou Santos, at ang aktres na si Charo Santos.

Matapos na ibenta ang television rights ng mga pelikula sa kanilang kalabang GMA 7, ngayon naman ay nagpalit sila ng company head.

Ano nga ba ang direksiyon ngayon ng ABS-CBN Films?

Male star, pineke ang ari sa pelikula

“Naniniwala akong prosthetics lamang ang ibinuyangyang niya sa kanyang pelikula. Kasi naka-date ko na siya nang ilang beses noong araw bago pa siya naging artista at hindi naman ganoon kalaki ang kanyang private part. At saka hindi na nakakagulat iyong kanyang mga gay sex scenes, dahil noon pa man may suspetsa na akong silam-silam siya,” sabi ng isang fashion designer.

Nawalan din daw siya ng gana sa male star dahil nalaman niyang pati sa kung sinu-sinong designer na walang shop nakikipag-date rin iyon basta afford ang kanyang presyo.

Ganern.

JANELLA SALVADOR

MARKUS PATERSON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with