^

PSN Showbiz

LT, parerentahan ang nabiling property sa Ilocos

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
LT, parerentahan ang nabiling property sa Ilocos
Lorna Tolentino.

Isang maliit na lupa lang naman daw ang nabi­ling property ni Lorna Tolentino sa Ilocos Sur, dahil nagustuhan na niya ang naturang probinsya.

“Lupa lang…maliit na lupa lang,” pakli ni Lorna sa aming tsikahan sa DZRH nung nakaraang Lunes.

Gagawing niyang resort iyun para kahit paano ay mapagkakakitaan niya.

“Naka-time sharing ko dun sa kung saan kami…naka-time sharing pag nandun kami.

“Iyung parang puwede mo siyang parenta…kasi parang resort. Puwede mo siyang pa-renta ‘yung unit mo. Part siya ng resort. Maliit lang talaga.

“Ipapasok dun sa time sharing ng resort.

“Ang meron dun sa resort  ang mga artist din na iba pa. Sina Bencab, sina Baldemor…meron silang pinapa-rent dun,” dagdag niyang pahayag.

Meron din daw nabiling property doon si Coco Martin, pero hindi lang daw niya alam ang detalye.

Nagustuhan ni Lorna ang Ilocos, pero hindi pa naman daw niya naisip na dun na manirahan.

Marami na raw siyang mga nakikilala roon at naging kaibigan, na karamihan ay nasa catering business.

Nag-aaral na rin daw siyang mag-ilokano, lalo na’t kinuha siyang mag-endorse ng Ako Ilocano Partylist. Pero never naman daw niyang pasukin ang pulitika. “Hindi talaga ko puwede sa pulitika. Kasi alam mo naman ‘yun e kung hindi o puwede ka sa pulitika. Showbiz ang aking talagang career,” napapangiti niyang sagot sa amin.

Hindi pa raw niya alam kung ito na ang huling lock-in taping nila sa Ang Probinsyano, pero marami na raw sa kanila ang natapos na ang kuwento, at pakonti nang pakonti na lang daw sila.

Ang maganda lang ay lalo raw silang naging close at nagkakaroon sila ng panahon para mag-bonding. “Nagkikita-kita kami pag day off, tapos pupunta sa isang villa. Tapos magkakasama kaming lahat, wala namang problema. Para lang to unwind, kasi minsan masyado na kaming na-stress na ang tagal na rin namin dun. Kailangan na rin naming mag-unwind kahit isang araw man lang,” saad pa ni Lorna T. sa aming interview.

Sanya at AJ ng Benilde, kinakiligan

Marami ang curious kung magkikita ba uli sina Sanya Lopez at ang basketball star player ng College of St. Benilde na si AJ Benzon.

Nabalita kamakailan lang ang pagpunta ni Sanya kasama si Maxine Medina sa NCAA para panoorin ang laro ng Mapua at CSB na alumna si Maxine.

Pagkatapos ng game, in-interview sina Sanya at Maxine sa programa ng NCAA para sa GTV at pumasok doon si AJ.

May kilig-kiligan na ang dalawa na tinutukso nina Maxine at ng host na si Martin Javier.

Sabi naman kasi ni Sanya, noon pa man ay karamihan mga basketball player daw ang nanliligaw sa kanya, pero wala pa talagang time noon ang Kapuso actress na makipag-boyfriend.

Pero ngayon ay tingin naman daw niya ay ang mga kasamahan daw niya sa grupo nilang The Dears ang liligawan ng mga basketball playes.

Isinama ni Maxine si Sanya na manood ng laban ng St. Benilde at curious naman daw siya dito kay AJ Benzon na isa sa pinakamagaling sa naturang team.

“Sabi nga nila yung si Benzon nga raw ‘yung magaling kaya pinapanood ko siya,” pakli ni Sanya.

Nang magkita na sila roon sa programa ni Martin Javier, parang iba na ang tinginan nilang dalawa.

Nakikita ring tila kinikilig si Sanya kay AJ at iba rin ang tingin sa kanya ng basketbolista.

Nagsu-sorry siya na natalo sila sa game na iyun. Kaya sana raw ay manood uli sina Sanya uli para makabawi sila.

“I need you more. I need you next time,” sabi ni AJ kay Sanya.

“I’’ll be there,” sagot naman ni Sanya kay AJ.

Masusundan kaya ang pagkikita ng dalawa?

Bagay naman sila at sana nga may mababalitaan na tayong nakikipag-date na si Sanya.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with