^

PSN Showbiz

Demanda ni Annabelle sa dating tauhan ni Pacman, sumampa sa psikalya

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Demanda ni Annabelle sa dating tauhan ni Pacman, sumampa sa psikalya
Annabelle Rama.

Busy sa pangangampanya para kay Sen. Manny Pacquiao si Tita Annabelle Rama nang ipinarating sa kanya ng kanyang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham-Garduque na umakyat sa korte ang kasong Cyberlibel na isinampa niya sa dating aide ni Sen. Pacquiao na si Jayke Joson.

Nakausap namin sa telepono kahapon si Atty. Garduque at ibinalita nga raw niya ito kay Tita Annabelle, kaya pagdating nitong kaso sa Clerk of Court ng Quezon City, ira-raffle na ito kung saang branch ito didinggin.

Bale magiging People of the Philippines versus Jayke Joson na ito. “Sabi lang naman ni Tita Annabelle na parang she’s wil­ling to attend in every hearings. Kung ano ‘yung ipapatawag siya ng korte regarding that, she will go with the procedure, and she will respect whatever will be the decision that will be issued by the court.

“Ipa-follow niya lahat na mga procedure, maki-cooperate siya kung kailan siya kailangan sa korte,” pahayag ni Atty. Maggie Abraham-Garduque.

Nilinaw na rin sa amin ng abogado ni Tita Annabelle na hindi pa umakyat sa korte ang ikinaso ni Jayke sa kanyang kliyente.

Halos magkasabay silang nag-file ng kaso nung nakaraang taon, pero idinaan pa kasi ni Jayke sa NBI, at hindi niya ito diniretso sa piskalya.

Aniya: “Nag-file kasi si Jayke sa NBI. Hindi niya diniretso sa Fiscal. Kami, nag-file kami ng October pero diretso kami sa Office of the Prosecutor, sa Quezon City.

“Nag-file si Jayke ng case against Tita Annabelle sa Office of the City Prosecutor through the NBI, January 31 na. So, nauna kami sa QC. So, mas nauna kami sa resolution ‘yung sa amin. ’Yung sa Las Pinas ‘yung may Jayke, wala pang resolution.”

Sinubukan naming hingan ng pahayag si Jayke mula sa ilang taong malapit sa kanya, pero hindi pa raw nila ito nakakausap.

AJ, tinangging may relasyon sila ni Aljur

Ngayong Biyernes ang streaming sa Vivamax ang pelikulang Kaliwaan na pinagbibidahan nina AJ Raval at Vince Rillon, at dinirek ni Daniel Palacio. Si direk Brillante Mendoza ang produ­cer nito para sa Vivamax.

Napanood ko ang naturang pelikula sa nakaraang premiere night na ginanap sa Gateway at napagod ako nang sobra.

Ang intense ng violence, at nahaluan pa ng mga daring at sexy scenes ni AJ kay Vince, pati sa baguhang aktor na si Juami Gutierrez, kay Mark Anthony Fernandez at Felix Roco.

Talagang apat na lalaki ang nagpasasa sa katawan niya.

Base raw ito sa tunay na pangyayari, na sabi nga ni direk Brillante, mas matindi pa nga raw ang nangyari sa tunay na buhay kesa sa napanood namin sa pelikula.

Sabi ni AJ, ganitong klaseng pelikula ang gusto na niyang gawin, na okay lang na maghubad pa rin siya.

Nilinaw naman niya sa nakaraang premiere night na hindi naman daw niya tuluyang iiwan ang pag-aartista, kahit babalik na siya sa pag-aaral.

“Sa showbiz naman po, siguro bawas lang po, pero hindi naman po ako mawawala.,” pakli ni AJ.

Natuwa naman daw ang pamilya niya sa desisyon niyang iyon.

Gusto niyang gawing pribado na ang pag-aaral, kaya ayaw niyang sabihin kung saang school at kung anong kurso ang kukunin niya. Pero sa Pampanga raw siya mag-aaral. “Gusto po talaga ng family ko na mag-aral ako, lalo na ‘yung father ko. Nag-start pa lang po ako sa showbiz, never po siya naging supportive talaga dahil gusto po talaga niyang magtapos ako ng pag-aaral.

“Never ko naman bibitawan ang pagpapa-sexy. Siguro po gusto ko na lang po mag-prepare mag-workout. Ang pagpapa-sexy naman po, gusto ko talaga siya,” aniya at natutuwa raw siya  pag tinatawag siyang ‘pantasya ng bayan.’

Ang isa pa nga raw sana na gusto niyang gawin ay ang pelikulang pagsasamahan nila ng kanyang amang si Jeric Raval, para masubukan din daw niyang mag-action. “Merong pinitch si direk Roman sa amin e. Parang Taken po,” dagdag niyang pahayag.

Natuwa rin daw si Aljur Abrenica sa desisyon niyang mag-aral. Isa raw sa umiintindi sa kanya ay si Aljur na ang turing pa lang niya sa kanilang relasyon ay ‘exclusively dating.’ Hindi naman daw nila dini-deny ‘yun. “Kami po ni Aljur, wala naman po talaga kami naging relasyon. Hindi po kami, wala naman po kaming kinonfirm. Nasa point pa po kami na kinikilala pa namin ang isa’t-isa,” sabi pa ni AJ Raval.

 

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with