^

PSN Showbiz

Mr. Fu, walang bad mood

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mr. Fu, walang bad mood
MR. Fu at Lolit.

Looking forward talaga every Tuesday dahil sa tawanan na nangyayari before Take It! Take It! Me Ganon?!

Parang ang tipo ni Mr. Fu ang walang problema sa buhay kaya hindi mo makikita na bad mood kahit kelan. At pareho kami na mahilig sa giveaway, kaya magkasundo kami, hah hah.

Partner in crime talaga kami, kaloka. For more years of working together, Mr. Fu, basta ‘yung giveaways dapat meron lagi, share tayo.

Sam, walang yabang

Naisip kong bigla si Sam Verzosa ng Tutok to Win partylist. Nakita ko kasi ‘yung campaign posters niya nang dumaan ako sa may S&R . Marami siyang poster at mukhang kilala siya ng tao dahil nga for a while, top rating program din ang Tutok to Win.

Mukha namang mabait na tao si Sam  at sincere dahil gaya nga ng kuwento niya noon na galing siya sa hirap hanggang marating kung nasaan siya ngayon, wala kang mapapansin yabang sa kanya. Nandu’n pa rin ang pagiging magalang niya at malumanay magsalita.

Saka maganda ang kanyang what you see is what you get attitude. Mukha namang kakayanin niya ang Congress ‘pag pinasok niya ito, very smart at focus si Sam  sa kung ano ang gusto niya sa buhay.

At least hindi niya nakuha ‘yung yabang ni Willie Revillame, kaya mas maganda siyang kausap, mukhang may direksiyon.

Dapat talagang manalo si Sam dahil maganda ang mga balak niya. Nag-umpisa na siya sa mga pagtulong niya noon pa man, kaya tiyak na marami sa mga natulungan niya ang nagwi-wish na manalo siya.

vuukle comment

MR. FU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with