^

PSN Showbiz

Iniimpluwensiyahan si Ricci, Andrea nangampanya sa Araneta

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Iniimpluwensiyahan si Ricci, Andrea nangampanya sa Araneta
Andrea Brillantes.

Pinag-usapan sa nakaraang Vax to Normal concert ng all-girl group na Calista ang pangangampanya ni Andrea Brillantes na isa sa special guests.

Ginanap ang debut concert ng Ca­lista sa Smart Araneta Coliseum nung nakaraang Martes, April 26.

Napaka-impressive ng production na kitang-kitang ginastusan nang bonggang-bongga.

Magaling naman kasi ang anim na members nito na sina Laiza, Denise, Anne, Dain, Elle at Olive.

Pero nakadag­dag kinang sa naturang concert ang participation nina Yeng Constantino, Darren Espanto, Elmo Magalona, AC Bonifacio, Ken San Jose at Andrea Brillantes.

Ang ganda ni Andrea sa kanyang pink outfit na ob­vious kung sinong presidentiable ang kinakampanya niya.

Tinawag niya ang mga kapwa niya Gen Z at pinaalahanang “vote wisely.” Nakikita naman daw sa suot niya kung sino raw ang dapat iboto.

Kaya hindi naiwasang mag-react ang mga maka-BBM na na nasa Araneta.

Pero sabi naman ng direktor ng concert na si direk Nico Faustino, hindi naman daw nila kontrolado ‘yun, at hindi na raw issue sa kanila ‘yun. Kaya okay  sa kanila kung sumingit ng pangangampanya si Andrea.

Sa ibang interviews ay nabanggit din ni Andrea na magkaiba raw sila ng boyfriend niyang si Ricci Rivero ng sinusuportahang presidentiable, pero hindi naman daw nila ito pinag-awayan. Nirerespeto raw nila ang paniniwala at desisyon ng bawat isa.

Kahit nga pinaglalagyan ni Andrea ng campaign materials ang kotse ni Ricci na hinayaan na lang ng basketbolista. Pinagbibigyan na lang daw niya ang ipinaglalaban ng nobya.

Balik tayo sa concert, puring-puri ang magandang concert ng Calista, at natuwa ang mga nakapanood nito. Masusundan pa raw ang naturang concert at meron ding inaayos na show sa Amerika at sa London.

Congratulations sa Calista, at sa TEAM ni Tyronne Escalante at Merlion Productions na bumuo ng naturang grupo.

Elijah, laging nangangatok

Doon pa rin sa Calista Vax to Normal concert ay namataan kong nanood si Elijah Alejo ng Prima Donnas.

Mukhang napaka-friendly nitong 17-year-old young actress na kahit kontrabida ang gina­gampanan sa naturang afternoon drama magiliw siya sa lahat at mapagkaibigan. Kaya kahit sa mga taga-Prima Donnas, nagustuhan nila si Elijah dahil masaya siyang kasama.

Sabi nga ng isa sa mga Prima Donnas na si Althea Ablan, pinaka-close raw sa kanya si Elijah. “Makita mo talagang super energetic niyang tao, and masaya siyang kasama. Sa aming dalawa siya ang pinakamadaldal.

“Kung madaldal ako sa ibang tao, siya ‘yung madaldal sa aming dalawa. So, si Elijah ‘yung nakikita ko ang nakikita kong mas naging close, and siyempre iba rin pero mas more kay Eli,” pakli ni Althea sa nakaraang farewell mediacon ng Prima Donnas.

Pahayag naman ni Elijah: “Lagi ko po kasing kinakatok sina Althea sa kuwarto. Magugulat na lang sila ako ang nagdu-doorbell at umagang-umaga ako ang bubungad sa kanila.

“Actually, sa lahat po ng teens close ko po sila at may ibang interest na pinagkakasunduan namin. Pero, naging favorite ko tuloy ang egg pie dahil kay Althea.”

Para naman kay Jillian Ward, ayaw niyang magbanggit kung sino ang pinaka-close niya agad at baka may magtampo pa raw. Pero okay naman daw silang lahat at magkakasundo sila sa taping.

Hanggang sa Sabado, April 30, na lang ang Prima Donnas at papalitan na ito ng bagong afternoon drama na Apoy Sa Langit, simula sa Lunes, May 2.

Sa May 2 rin magsisimula sa GMA Primetime ang False Positive nina Glaiza de Castro at Xian Lim.

ANDREA BRILLANTES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with