^

PSN Showbiz

Jake, pinagselosan si Zanjoe kay Kylie?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jake, pinagselosan si Zanjoe kay Kylie?!
Zanjoe at Kylie.

Totoo kayang nagselos talaga si Jake Cuenca kay Zanjoe Marudo nang magkasama sila sa digital movie ng Vivamax na Ikaw Lang ang Mahal?

 Bukod pa diumano’y medyo hindi masyadong favor si Jake sa sobrang pagpapa-sexy ni Kylie sa mga pelikulang ginagawa niya ayon sa source ng Take It! Take It! Me Ganon?!

Yup, parang nagkaroon nga raw ng special connection sina Zanjoe and Kylie habang ginagawa nila ang pelikula na ikinaselos daw ni Jake.

Kinumpirma na nina Jake at Kylie na hiwalay na sila after three years. Pareho silang emosyonal pero wala nabanggit na dahilan sa kanilang hiwalayan.

Samantala, blind item naman sa TITIMG ang tungkol isang actor na mabantot daw talaga ang pawis dahil sa steroids.

Before pandemic daw ay talang grabe na itong mag-gym at mismong ang mga ka-gym niya ang nakakaamoy dito tuwing papawisan na ito sa kakabuhat.

Maalalang noon daw ay nag-complain na ang isang leading lady nito dahil nga kahit bago ang kissing scene nila, hindi man lang nagto-toothbrush ang actor.

Kaya after their first project, ayaw na raw uli itong maging leading man ng actress.

Sa mga hindi pa nakapanood ng episode 140 ng Take It! Take It! Me Ganon?!, maki-Team Replay  sa social media platform ng Pilipino Star NGAYON sa Facebook and YouTube.

ZANJOE MARUDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with