^

PSN Showbiz

Movie nina Paulo at Janine, sa sinehan ipalalabas!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Movie nina Paulo at Janine, sa sinehan ipalalabas!
Paulo at Janine.

Nagsimula na ang promotions para sa pelikula nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez, ang Ngayon Kaya, ng T-Rex Entertainment.

Dapat ay noon pang 2020 ipinalabas ang pelikulang ‘yon ng PauNine, pero nabinbin  dahil nagkaroon nga ng COVID-19 pandemic.

Noon pa inaabangan ang pelikulang ‘yon at akala nga ay baka mapanood na lang ‘yon sa isang streaming app, pero mas ginusto ng T-Rex Entertainment na “itago” muna ang nasabing pelikula.

At ngayong unti-unti na ring bumabalik sa normal ang lahat, nagdesisyon sila na finally ay ipalabas ang Ngayon Kaya.

Yes, sa mga sinehan mapapanood ang Ngayon Kaya at ang tsika sa amin, sa June ito naka-schedula ipalabas. Bongga!

Siyempre, tuwang-tuwa ang PauNine fans sa desisyon ng T-Rex Entertainment na magkaroon ng theatrical release ang pelikulang ‘yon.

Sana ay suportahan nga ng mga fan nina Paulo at Janine ang Ngayon Kaya.

Teka! Hindi kaya ang showing lang ng pelikula nilang ‘yon ang hinihintay nina Paulo at Janine bago nila aminin ang sinasabing relasyon nila?

Sabi nga, kahit wala pa silang pag-amin na ginagawa, obvious naman daw sa kanilang mga kilos na may relasyon na sila.

Well...

Raymond, ‘di magtatagal sa ‘Pinas

Isang taon na sa Los Angeles, California si Raymond Gutierrez.

Marami ang nagtatanong kung wala na nga bang balak umuwi ng ‘Pinas ang twin-brother ni Richard Gutierrez?

Ayon kay Raymond, babalik pa rin naman siya ng ‘Pinas, pero talagang sa LA na siya based ngayon.
By June ay nasa ‘Pinas si Raymond para sa isang endorsement shoot na bawal pang sabihin kung ano.

Gusto rin ni Raymond na mabisita rin kasi ang kanyang parents na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, plus ang kanyang mga kapatid, kaya uuwi muna siya ng ‘Pinas.

May ilang mga project din na gagawin si Raymond habang nasa ‘Pinas siya sa June.

‘Yun na!

PAULO AVELINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with