^

PSN Showbiz

Jake, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kylie!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jake, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kylie!
Kylie at Jake.

Hindi na nagpaliguy-ligoy si Jake Cuenca.

Nilantad niyang hiwalay na sila ni Kylie Verzosa.

“This was us,” aniya sa photo nilang hawak-kamay.

“I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. This past 3 years of my life have certainly been the best. I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways. I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger we both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness no anger and no regrets only the good memories. certainly that’s what I will be holding on to. I will still be here to support you because In so many ways I feel a part of your journey and I will always pray for your success. I’m happy we were able to finish this chapter of our lives the same way we started it. As friends. Wherever you are or what ever your doing I will always be sending you love and positivity. know that you will always have a person in me who will always be proud of you. I’ll see you around Kylie.”

Hindi lihim na halos live in sila dahil sa mag-neighbor sila sa isang condominium building.

Nag-umpisa ang idea tungkol sa kanilang breakup nang umiyak si Kylie sa It’s Showtime nang pag-usapan sa isang segment ang tungkol sa hiwalayan.

Actor, may amoy!

‘Kakatawa ‘yung blind item na may amoy ang actor na karelasyon ng isang actress ngayon na chinika ni Mr. Fu sa Take It! Take It! Me Ganon?! Last Tuesday with Nay Lolit Solis.

Yup, mabaho raw ang private part ni actor na kumalat pagkatapos diumano nitong magkaroon ng kaugnayan sa isang gay showbiz personality.

Grabe naman.

Bata pa ang nasabing actor saka marami naman ngayong available sa market na pang-wash para bumango ‘yun.

Hehehe.

Anyway, sa mga hindi pa nakapanood sa episode last Tuesday ng Take It! Take It! Me Ganon?!, maki-Team Replay sa Facebook page at YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON.

Ibang kandidato, desperado na

Kinda toxic ang social media.

As in habang papalapit ang May 9 election pagrabe nang pagrabe ang mga usapan.

May isang mayoral candidate na tila desperado na.

Kung anu-anong paninira ang ibinabato sa kalaban. Bukod sa social, may pa-text blast pa ito.

Kaso, walang naniniwala dahil alam mong paninira at masama ang intensyon.

At ang amazing, in a way, magtataka kung nakuha ba nila sa contact tracing record ang mga number ng mga tini-text nila dahil ang dami nilang nati-text.

Pero ‘yun nga, sign of desperation ang nasabing move.

May hawak na resibo ang pilit na sinisiraang kalaban.

Maraming napatunayan at higit sa lahat, maaasahan ng kanyang nasasakupan kaya kahit anong gawin ng kalabang may malaking kasalanan sa mga kapamilya, walang epekto ang kanyang mga ginagawa.

Siyempre dun ka sa may mga nagawa na at hindi sa nangangako pa lang.

JAKE CUENCA

KYLIE VERZOSA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with