^

PSN Showbiz

Bea, nadawit sa hindi pag-attend ng KathNiel sa kasal ng barkada ni Dominic?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bea, nadawit sa hindi pag-attend ng KathNiel sa kasal ng barkada ni Dominic?!
Bea Alonzo.

Pati hindi pag-attend nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo sa kasal ng social media stars na sina Patrick Sugui at Aeriel Garcia noong April 20, issue pala.

Andun daw kasi si Dominic Roque na dating katropa nina Daniel at Patrick kaya absent ang KathNiel.

Nawala nga diumano ang closeness nila dahil nga naiinis noon sila Daniel. Hindi raw kasi kayang ilantad ni Bea Alonzo si Dominic at naawa raw ang mga ito kay Dominic.

Alam sa showbiz ang closeness ng KathNiel sa ikinasal at Nguya Squad pa ang tawag sa barkada nila kung saan kabilang din sina Ria Atayde, Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Sofia Andres at partner nitong si Daniel Miranda.

Pero nawala sa eksena si Dominic nang maging lantad ang relasyon nila ni Bea. Na lumakas pa ang intriga nang hindi ito isama ni Dominic sa naganap na kasalan.

Ahh, ganun.

BEA ALONZO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with