Kylie, ayaw amining ‘failed relationship’ sila ni Jake!
“Hindi ko po talaga siya matatawag na failed relationship,” sagot kahapon ni Kylie Verzosa tungkol sa nangyari sa relasyon nila ni Jake Cuenca.
Kahapon nga ay humarap si Kylie sa press para sa pelikula nila ni Zanjoe Marudo na Ikaw Lang Ang Mahal.
Pero walang sinagot ang former beauty queen and sexy actress.
Aniya ay mahirap mag-explain kaya ‘wag muna siyang tanungin kung bakit siya naiyak sa It’s Showtime. “Mahirap po kasing i-explain, eh,” umpisa niya. “At saka, kung okay lang po sana, ano, huwag n’yo na lang tanungin ngayon. Pero gusto ko lang po i-focus ‘yung movie ngayon. Pero sana po, huwag n’yo na lang tanungin.”
- Latest