^

PSN Showbiz

Dingdong, kinaadikan sa FF!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, kinaadikan sa FF!
Dingdong Dantes.

Talagang ang saya-sayang manood ng Family Feud ng GMA 7 hosted by Dingdong Dantes.

Bukod sa meron kang natututuhan dahil sa tricky questions, ang galing-galing na talagang magdala ni Dingdong ng programa. Masaya siya at very cool ang dating sa pagtatanong sa mga contestant. Hindi ka mai-intimidate sa kanya at feeling supportive siya sa bawat contestant.

Talagang dalang-dala niya ang energy ng programa.

At si Dingdong habang tumatanda lalo pang nagkakaroon ng character ang face kaya naman ang layo pa rin niya sa mga baguhan.

Subukan ninyong manood ng Fami­ly Feud everyday talagang maa-addict kayo, hindi lang sa programa, pati kay Dingdong, hah hah hah.

Suwerte talaga ni Marian Rivera, pogi na mabait pa ang asawa niya at mahusay pang host.

Belat nila, nag-iisa si Dingdong. Hahaha.

Eleksyon, painit nang painit

Medyo mainit na ang election fever. Kasi nga ilang araw na lang, at maiiba na ang leadership sa bayan natin.

Pero sana naman walang mangya­ring kaguluhan.

Hindi ko gusto ‘yung balita na pinaputukan ang grupo nila Ka Leody de Guzman. Nakakatakot ‘yung dahil may nasaktan. Bagama’t itinatanggi nilang may kaugnayan ito sa eleksyon.

Sana nga ay sa salita na lang nagkakasakitan huwag nang physical.

Marami nang problema, huwag na nating dagdagan.

Ang ganda ng bayan natin, masarap ang buhay, kaya cool lang, huwag bayolente.

Isang araw lang ang eleksyon, palipasin natin, tanggapin resulta, bawal pikon.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with