^

PSN Showbiz

Direk Brillante Mendoza, may hinaing sa mga embassy

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Direk Brillante Mendoza, may hinaing sa mga embassy
Direk Brillante Mendoza
STAR/ File

Nagwagi ang Pinoy films sa nakaraang 19th Asian Film Festival na ginanap sa Rome, Italy, pero tila hindi na ito napapansin dito sa atin.

Iyon ang matagal nang hinaing ni direk Brillante Mendoza na kapos talaga ang suporta ng gobyerno, na walang kooperasyon ang ilang embassy natin sa ibang bansa.

Kagaya nitong sa 19th Asian Filmfest sa Rome na maraming mga kababayan daw natin nagugulat na may mga kasali palang Pinoy films doon.

“Marami tayong embassy in the past na medyo nadala na nga ako, kasi siyempre, marami akong nami-meet na mga Filipinos sa iba’t ibang festival na napupuntahan ko, and then most of time hindi nila alam. Nalalaman na lang nila ‘pag nandun ako… nalalaman na lang nila sa mismong festival, pero wala silang confirmation from the respective embassy no?” pakli ni direk Brillante sa aming panayam sa DZRH nung nakaraang Miyerkules.

Sinubukan na rin daw niya noon na lumapit sa Department of Foreign Affairs para ipara­ting na may festivals silang sasalihan sa ibang bansa. “Sa totoo lang, dumating na ako sa point na okay, kung ano na lang. Kasi, ako naman kasi in the past, nag-reach out naman ako sa government e. Nag-reach out ako sa DFA mismo. Kasi, nakipag-ugnayan ako sa kanila kasi sayang naman kako, dahil nga sa dami ng mga festival na pinupuntahan ko, marami akong nami-meet na mga Filipino, hindi nila alam.

“Sabi ko, may mga Filipino po na films na pinapalabas sa mga iba’t-ibang bansa. All you have to do is to connect sa embassies sabi ko, taun-taon may pelikula ako. Puwede naman kayo tumawag doon para masabi lang nila sa mga Filipino communities with their respective country or embassy no?

“Unfortunately, hindi nangyayari. Kaya, sayang… e ganun talaga,” malungkot na pahayag pa ng pamosong direktor.

Wala naman daw problema ang Film Development Council of the Philippines ni Chairperson Liza Diño, pero mas mabuti raw sana kung nandiyan ang kooperasyon ng DFA. “Sa FDCP, walang problema kasi dito ‘yun sa Pilipinas e. Ang sinasabi ko ang mga Philip­pine embassies abroad, kasi sila ang merong may connect sa mga Filipinos na nandodoon,” himutok pa ni direk Brillante.

Ginawaran si direk Brillante ng Lifetime Achievement Award sa 19th Asian Film Festival mula sa Roma Lazio Film Commission.

Nagwagi roon bilang Best Actor si Vince Rillon mula sa pelikulang Resbak, at ka-tie nito si Christian Bables ng pelikulang Big Night.

Nanalong Best Film din ang On The Job: The Missing 8 ni direk Erik Matti.

Kapuso, nagpapapasok na ng audience

Unti-unti na tayong bumabalik sa normal, at sana tuluy-tuloy na ito.

Ito na nga at magpapasok na ng audience sa loob ng studio.

Kahit limited seats lang ang puwede, pero dagdag nang saya na ito sa Kapuso stars na magpi-perform sa Sunday musical-variety show.

Sa mga interesadong mapasama sa audience na papasukin sa studio ay dapat na magpa-register sa www.GMANetwork.com/AOSstudioaudience!

Doon ay makakapili kayo ng date na gusto niyong manood.

Para lamang ito sa fully vaccinated edad 18 years old and above.

Walang walk-ins na tatanggapin sa loob ng studio.

KAPUSO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with