^

PSN Showbiz

Kim, apaw ang kaligayahan sa kanyang birthday!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim, apaw ang kaligayahan sa kanyang birthday!
Kim at Xian
STAR/ File

Inakalang may bayarin sa kanilang clubhouse...

Umaapaw ang puso ni Kim Chiu sa kanyang katatapos na 32nd birthday.

Ang dami kasing ganap.

Bukod sa after 8 years ay nakauwi ng bansa ang kapatid niyang piloto, may pa-party sa kanya ang mga Kapamilya niya sa ABS-CBN. May pa-birthday charity rin siya sa mga Aeta na dati na niyang ginagawa noong bago nag-pandemic.

Bongga rin ang pa-tribute sa kanya ng boyfriend niyang si Xian Lim.

At pinuri-puri siya ni Presidential aspirant VP Leni Robredo sa kanyang mga achievement.

Kaya naman sa kanyang post, hindi niya raw inasahan ang lahat ng ito.

“Indeed one of the most memorable birthdays I ever had. Punong puno yung puso ko simula umaga hanggang gabi, surrounded by people who are dear to me. My family is complete after 8 long years, did a birthday charity in 3 different places, seeing those happy smiles made my heart melt. Iba yung experience sobra. Got messages on my socmed accts and personal messages,(di pa ako nakaka reply but later I will.) May pa birthday greeting sa MOA globe ang kim chiu global family. Grabe Salamat. Got a personal VP Leni greetings gulat ako na naiyak. Got cakes, flowers, and food pag uwi ko sa bahay and of course to end the day nagulat ako sa pa Surprise!!!!!! wala akong ka idea, pero grabe!!!

“Didn’t expect na may pa ganun, akala ko may babayarin kami monthly dues sa clubhouse pero naisip ko bakit gabi, ang sabi ng ate ko pinakiusapan lang daw kasi last week pa overdue magda­dagdag na daw kami ng bayad pag sumobra. Kaya pumunta na ako bago kami tumuloy sa dinner. Diko alam dun na pala yung dinner.ang dami pumunta. Nagulat talaga ako. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng dumalo and for your time on my special day. SALAMAT SA LAHAT. SALAMAT SOBRA SA ARAW na ito NA DIKO MALILIMUTAN. It was indeed a HAPPY BIRTHDAY TO ME. #forevergrateful.”

KIM CHIU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with