^

PSN Showbiz

Maine, binuyangyang ang abs

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Maine, binuyangyang ang abs
Maine
STAR/ File

Ibinuyangyang ni Maine Mendoza ang kanyang “flappy” abs habang naka-two-piece bikini sa beach na pinost niya sa kanyang Instagram.

Pinusuan at mahigit 100K ang likes ng picture ni Meng mula sa followers niya.

“Flexing the happiness..and the fake and flappy “abs” #opticalillusion,” caption ni Maine sa photo.

Teka, missing in action yata ngayon sa Eat Bulaga si Meng, huh! Ang bagong pasok na si Miles Ocampo ang laging isinasalang, huh!

Nova, kinaiinggitan

Hindi lang pala si Joey de Leon ang kaklase si Manay Lolit Solis sa V. Mapa High School. Kaklase rin pala niya ang senior comedienne na si Nova Villa, huh!

Naikuwento ni Manay ito nang makipagchikahan kami kay Rossana Hwang ng Kapitana Entertainment Media Network, producer ng short film na The Women of Tonta Club at Covid Cupid na napapanood sa kanyang YouTube channel.

Inggit nga si Manay kay Nova dahil nagagawa niyang mag-TikTok at graceful ang kanyang moves sa edad na 75! Tapos, nagsuot na siya ng swimsuit sa Tonta Club, huh!

Pero sa tuwing nagkikita raw sina Nova at Manay, ang laging sinasabi ng veteran actress, “Sa tagal ko sa showbiz, never mo pa akong nasulat!”

Halakhak lang ang tugon ni Manay sa daing ni Nova! Ha! Ha! Ha! 

MAINE MENDOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with