^

PSN Showbiz

Camille, praktikal ang pinagawang bahay

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Camille, praktikal ang pinagawang bahay
Camille at Pamilya
STAR/ File

Ipinakita ni Camille Prats ang bagong bahay na magiging tahanan nila ng asawang si VJ Yambao at ng kanilang mga anak sa kanyang social media accounts. Inamin ni Camille na umabot nang mahigit dalawang taon bago natapos ang kanilang tahanan dahil inabot nga sila ng pandemic, at napakarami ng restrictions maski sa pagpapatayo ng isang bahay. Tuwing magdedeklara ng lockdown, tigil ang trabaho.

Pero natutuwa nga si Camille na finally tapos na tapos na iyon, at malamang nga ngayon ay nakalipat na sila sa kanilang bagong tahanan. Maganda, elegante pero simple lamang ang bahay. Makikita mong ipinagawa iyon para maging tahanan ng isang pamilya, hindi ipinatayo para lamang makapagyabang.

May mga taong ganoon, magpapatayo ng napakalaking bahay na hindi na halos magkita-kita ang mga nakatira para lamang makapagyabang at masabing mayaman sila.

Ang mga malalaking bahay, kulang ang sampung kasambahay para maglinis. Magkano rin ang konsumo sa kuryente sa ganun.

Sa paglilinis lamang ng bahay at kapaligiran noon, gaano kalaki na ang konsumo sa tubig?

Practical ang tahanan nina Camille, na tama lamang ang laki para sa kanilang pamilya, mas madali pang maglinis at maski na sila-sila lang ay kaya na base sa post niya sa social media.

Kasabihan na nga, masasalamin mo ang pagkatao batay sa kanilang tahanan. Iyong mga bahay na malalaki na parang lagi namang walang tao, hindi maganda ang pagsasama ng pamilya niyan.

GMA at ABS-CBN, may kumpetisyon sa MUP

Sino ang may sabing tapos na ang network war? Sino ang magsasabing wala nang kumpe­tisyon ang GMA 7 at ABS-CBN.

Ibinenta lamang ng Star Cinema ang TV rights ng kanilang mga pelikula dahil wala naman silang TV station pero lumalaban pa rin sila.

Magandang pruweba ang Miss Universe Philippines. Ang GMA ang idineklara nilang official telecast partner ng contest. Pero hindi nagpahuli ang ABS-CBN, na siya namang naging official digital / streaming partner ng contest, at nakalamang pa sila.

Ang telecast ng GMA ay sa May 1 pa ng umaga. Ang kabuuan ng pageant at lahat ng iba pang kaganapan ay mapapanood na nang live sa iba’t ibang internet streaming channels ng ABS-CBN sa Abril 30 ng gabi. Kung napanood na sa internet at alam na ang resulta, sino pa nga ba ang manonood sa TV? Tiyak mas malaki pa rin ang commercial load ng palabas sa on the air TV, pero malaki na ang mawawala sa kanila dahil naunahan na sila ng internet streaming kung saan mura pa ang commercials.

Hindi mo ba masasabing may network wars pa rin?

May edad na matinee idol, ginagastusan ang target na poging model

Active pa rin pala sa kanyang gay life ang isang may edad nang matinee idol.

Madalas daw siya sa isang watering hole ngayon kung saan istambay rin ang isang poging model na kursunada niya. Nagkakatawanan sila, dahil mas matanda pa ang anak ng may edad na matinee idol kaysa sa poging model na dinidiskartehan niya. Malamang naman daw magtagumpay ang may edad na matinee idol, dahil talagang gumagastos siya sa mga lalaking gusto niya, lalo na’t kung ang mga iyon nga ay tunay na lalaki.

Pero kahit na sa bading basta gusto niya talagang hinahagip ng may edad nang matinee idol.

Noong araw ay hinagip din niya ang isang poging ramp model. Hinagip din niya ang isang poging singer. Hinagip din niya ang isang call center agent, kahit na ang mga iyon ay medyo bading din.

vuukle comment

ABS-CBN

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with