^

PSN Showbiz

Pinoy actors, ‘di pa rin kakabugin ng K-actors!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pinoy actors, �di pa rin kakabugin ng K-actors!
Ellen at Derek.

Siguro nga, talagang madaling maka-addict ang Koreanovela.

Kasi nang sandaling dumalaw ang anak kong si Sneezy na nanini­rahan sa Amerika at nakikipanood ‘pag nakababad ako sa TV dahil sa sinusundan kong Koreanovela, naghahanap na siya ngayon ng Korean channel para makapanood din ng mga sinusundan kong drama.

At tulad ko, mas type niya rin ang actors kesa sa actress, hah hah hah. Kasi nga addicting naman talaga kaya hindi ko masisi ang mga kapwa adik kong sina Rose Garcia at Vinia Vivar.

Kalokah talaga. Naiba na nga ang level ko sa pogi, dapat Korean looking na, ayaw ko na ng masyadong very American o European looking, mas type ko na ang Asian looking.

Pero siyempre, mas pogi pa rin sina Alden Richards, Richard Gomez at Derek Ramsay. Itatapat ko pa rin sila kina Nam Joo-hyuk, Lee Joon-gi at Kim Woo-bin na sure akong talo kay Dingdong Dantes sa pagkaguwapo ‘pag nakita ko sa personal.

Wala pa ring tatalo sa mga Pinoy noh.

Sharon at Kiko, parang mga bata ang lambingan

Ang ganda namang tingnan nung sweetness nina Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta sa stage ‘pag pumupunta sila sa mga rally. Kilig tuloy ang fans dahil nakikita nila na parang mag-sweetheart ang dalawa sa stage at mga bagets na naglalambingan.

Isa iyon sa attraction ng Leni Robredo/Kiko team kaya tuwang-tuwa ang fans sa pagpunta sa rally.

Marami rin namang stars sa rally nina Bongbong Marcos at Sara Duterte. Punung-puno rin ang mga rally nila ng tao dahil sa rami ng performers at stars na pumupunta.

Attraction din na ever since, crowd drawer sina BBM at Sara kaya hindi rin matalbugan ang mga rally nila. Exciting talaga ang eleksyon.

Abangan natin ang resulta.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with