^

PSN Showbiz

Aktres, nadiskubre ang baong sex toy sa lock-in!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

May mga kadramahan pa rin palang nagaganap sa mga lock-in taping at shooting. Pero karamihan ay sa mga taping dahil matagalan talaga silang nakatengga sa isang location.

Dahil na rin siguro sa pagkabagot sa halos dalawang buwang naka-lock in kaya ang ibang pasaway ay talagang lumalabag sa rules kaya muntik-muntikan nang tanggalin ang iba.

Meron ngang isang teleseryeng natigil sandali ang taping dahil sa isang artistang lumabag na kinontra ng co-actors. Pero naayos naman bandang huli.

Pero ang hindi kayang kontrolin sa lock-in taping ay ang init ng katawan.

Merong nagkakadebelopan sa loob ng location, at may nabubuong lock-in romance. Pero ang ikinaloka namin, meron namang nagbabaon ng pampawi ng init ng katawan.

Napag-alamang merong artistang nagbaon ng sex toy, dahil siyempre nadidiyeta na rin sa pakikipag-sex sa dyowa. Nairaraos sa sex toy, to be specific, ang dildo!

Nabuking ito sa isang taping na kung saan ay nakita ng hotel staff ang sex toy na naiwan sa lobby ng hotel na tinutuluyan nila.

Maaaring pa-pull out na sila sa location, at nagkakumpulan daw sa lobby ang mga artistang magtsi-check out. Nang umalis na sila, doon nakita ang naiwang dildo.

Ipinarating ito sa production kaya kaagad na na-call ang attention ng lahat. Ang unang pinagbintangan ang mga bading na staff, pero kaagad nilang itinanggi dahil pambabae raw ang ganung dildo. Hanggang sa na-check nila nang mabuti, naalala raw nila na grupo ng mga babaeng artista na kinabibilangan ng mga komed­yante, character actress at beauty queen ang nakatambay doon.

Sa tingin daw nila, nahulog sa bag nung isa sa kanila ang baong dildo.

Pero hanggang sa ngayon ay hindi pa nalalaman kung kanino ‘yun dahil wala nang may nag-claim ng naturang sex toy.

Direk Joel, susubukan sa drama si Sean

Nai-inspire si direk Joel Lamangan na gumawa ng isang pelikula kapag bagong artista ang involved. Mas gusto raw niyang idirek ang mga baguhang artista dahil parang isang blangkong pisara lang daw ito na hindi pa nasusulatan kaya marami pang puwedeng isulat na matutunan ng isang baguhang artista.

Isa nga raw sa mga baguhan na tingin niya ay napaka-promising ay si Sean de Guzman na inilunsad din sa pelikulang Anak ng Macho Dancer.

Ngayon ay hindi na siya paghuhubarin kundi susubukan na sa isang heavy drama na pelikulang Fall Guy ng 3:16 Media Network ni Len Carillo at ng Mentorque Productions ni John Bryan Diamante.

Nakitaan ni direk Joel ng potential si Sean, kaya masusubukan siya rito sa Fall Guy na isinulat ni Troy Espiritu.

“Ito po ang pelikula na siya talaga ang magdadala. Siya ang tatanghaling best actor sa mga susunod na panahon!” diretsahang pahayag ni direk Joel sa ginanap na story conference nito nung Linggo sa Novotel, QC.

Sabi naman ni direk Joel, hindi pa maituturing na aktor si Sean, pero papunta na raw.

Magagaling ang mga artistang magiging bahagi nitong Fall Guy na sina Glydel Mercado, Shamaine Buencamino, Tina Paner at Jim Pebanco.

Natutuwa naman si direk Joel dahil muli niyang makakatrabaho si Glydel, na siyang nagdirek ng pelikulang Sidhi na kung saan nag-grand slam Best Supporting Actress ang aktres.

Ilan sa mga gusto raw niya sanang maidirek uli sa pelikula ay sina Gina Alajar, Amy Austria, Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Dawn Zulueta, Richard Gomez at Christopher de Leon.

Glaiza, takot mabuntis

Sa May 2 na magsisimula ang bagong drama series ng GMA Telebabad na False Positive na pinagbibidahan nina Glaiza de Castro at Xian Lim.

Ito ang ipapalit sa timeslot ng Widows’ Web.

Kakaiba ang kuwento ng False Positive na kung saan isinumpa dito ang karakter na ginagampanan ni Xian at ipinaranas sa kanya ang pagdadalang tao.

Kaya sa nakaraang mediacon nito ay natanong kay Glaiza ang pagbubuntis na inaamin niyang takot pa siya lalo na sa mga kuwento ng nanay at mga kapatid niya.

Aniya: “Sa tingin ko po kasi napakalaking responsibility ‘yun eh. So sa tingin ko, parang natatakot pa ako and in a way, dahil dun hindi pa talaga ako ready. And sa tingin ko, darating din naman ‘yung time na magiging ready ako at paghahandaan ko ‘yun nang matindi.”

AKTRES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with