^

PSN Showbiz

Mayor Joy, nagmana sa ama

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Joy, nagmana sa ama
Mayor Joy
STAR/ File

Konting araw na lang at election na. Magiging iba na ang lea­ders natin, mababago ‘yung iba, pero merong iba uupo pa rin uli.

At isa sa tiyak kong mananatili ay si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City dahil sa mga maganda niyang mga nagawa.

Bata at masipag si Mayor Joy kaya naman nakakatuwa na na­ging maayos ang pag-upo niya bilang Mayor ng QC na dating ang father niyang si Cong. Sonny Belmonte ang mayor din na maganda rin ang naging record.

Like father like daughter talaga kaya naman umaasa ang lahat na ma-reelect si Mayor Joy sa QC.

Piolo, Jericho at Gerald, guwapo pa rin kahit pinapapangit

‘Pag confidently handsome ka, wala ka sigurong takot na makitang gulo ang buhok, may konting balbas, at kahit hindi bihis na bihis.

Napansin ko iyan kina Piolo Pascual, Jericho Rosales at Gerald Anderson. Talagang me­ron silang role na makikita mo na distorted o gustong pumangit ng mukha pero hayun, handsome pa rin. ‘Yung gumanap na special si Gerald sa Budoy, ‘yung kunwa­ring na-stroke si Piolo, at mahirap lang si Jericho. Pero kahit anong gawin, hayun at grabe pa rin gandang lalaki nila. Talagang ‘pag guwapo ka, kahit anong role ipagawa sa iyo lalabas pa rin ‘yung pagiging pogi mo.

Ang hirap ngang isipin may mahirap na ganun ang hitsura. Para talagang ‘pag pogi pang-mayaman lang puwedeng gawin, hindi kakayanin ‘yung pangmahirap. Pero dahil mahusay na artista sina Piolo, Jericho ok lang, napapaniwala pa rin nila tayo na kahit extremely handsome puwedeng tumira sa squatter at maging special child tulad ni Gerald.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with