^

PSN Showbiz

Belle, sobra na ang tiwala kay Donny

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Belle, sobra na ang tiwala kay Donny
Belle at Donny
STAR/ File

Mapapanood na ngayong buwan ang ikalawang season ng He’s Into Her na pinagbibidahan nina Belle Ma­riano at Donny Pangilinan. Aminado ang aktres na talagang kinabahan siya sa bagong proyekto lalo pa’t pumatok sa mga mga manonood ang unang season nito. “No’ng una kinabahan ako kasi this time ‘yung characters namin mas may depth. Mas kita n’yo ‘yung layers ng characters namin. Mas makikita n’yo ‘yung challenges na pagdadaanan nila,” bungad ni Belle.

Tatlong taon na ang nakalilipas nang unang nagkatambal ang DonBelle. Ayon sa dalaga ay talagang dapat pakaabangan ng mga tagahanga ang kanilang mga karakter ni Donny bilang sina Max at Deib sa serye. “Gusto ko once na mapanood ko ‘yung binigay ko sa eksenang ‘yon, sana dumating sa audience ‘yung message ko sa scene na ‘yon. Just to be able to go through what Max went through, it was hard. But it was a good challenge. Max and Deib from season one to season two, nag-grow sila dito. Mas makikita mo ‘yung maturity nila,” giit ng aktres.

Mas lumalim na rin umano ngayon ang samahan nina Belle at Donny dahil sa ilang taon na ring pagtatrabaho. “Sometimes I find it really hard to trust. But now I trust him so much. Sobra talaga, it was a process but he’s one of the few people I trust the most,” makahulugang pagtatapos ng dalaga.

Zanjoe, nakipagsabayan kina Bela at Jc

Simula ngayong Biyernes ay mapapanood na sa Vivamax ang pelikulang 366 na pinagbibidahan nina Bela Padilla, JC Santos at Zanjoe Marudo. Si Bela rin ang sumulat ng istorya at nagsilbing direktor ng naturang proyekto. Maraming pelikula na ang pinagtambalan nina Bela at JC kaya naman talagang na-challenge umano si Zanjoe nang gawin ang bagong pelikula. “Ang naging challenge sa akin dito sa paggawa ng character ni Marco sa 366, siyempre papasok ako sa isang project na makakasama ko ang established na tandem, sina JC at Bela. ang dami na nilang nagawa at napatunayan sa mga pelikula nilang ginagawa, kailangan kong sabayan. Kailangan kong sumabay para maging maganda ang paglabas and thankful naman ako dahil sa guidance ni direk Bela,” paglalahad ni Zanjoe.

Matatandaang sa teleseryeng My Dear Heart pa huling nagkatrabaho sina Bela at Zanjoe. Para sa aktor ay hindi naman nawala ang kanilang chemistry ng dalaga kahit matagal-tagal na silang hindi nagkakasama. Naugnay rin sa isa’t isa sina Zanjoe at Bela ilang taon na ang nakalilipas. “Nando’n lang ‘yon. Hindi mo kailangang sadyain, hindi mo kailangang mag-effort para lang magkaroon ng chemistry or kiligin ang audience sa mga ginagawa n’yong eksena. Nag-work siya siguro dahil bilang mabuti kaming magkaibigan at wala naman kaming galit sa isa’t isa sa mga nangyari sa amin. Mas nag-work siya kasi mas nagko-collaborate kami,” pagbabahagi ng binata.

(Reports from JCC)

vuukle comment

BELLE

DONNY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with