^

PSN Showbiz

Zia at Ziggy, inaantay lagi ng followers

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Zia at Ziggy, inaantay lagi ng followers
Zia at Ziggy.

Talagang ang ganda ng lahi ng mga Dantes squad. Habang lumalaki lalo pang nagiging mas cute sina Zia at Ziggy.

Hindi kataka-takang halos araw-araw hinihintay ng followers nila na makita ang new photos ng dalawang bata. Lalo pa nga si Ziggy na parang ngayon pa lang kita mo na may dugong artista dahil sa mga posing na ginagawa nito.

‘Pag ganyan kaganda ang babies mo, siyempre naman na parang gusto mo mas marami pa, hah hah.

Talagang may pressure nga kay Marian na madagdagan pa ang mga anak nila ni Dingdong.

Naku Marian at Dingdong, sure ako may mga anak kayo na magiging star sa mga susunod na generation.

Ganda ng lahi n’yo.

Jennylyn, pinatibay na

Siguro nga dahil second child niya, kasal sila ni Dennis Trillo kaya mas open si Jennylyn Mercado sa kanyang pagbubuntis.

Hindi gaya noong una na wala siyang mga maternity poses at pictorial, ngayon tingnan mo at ang gaganda ng kanyang pictorial.

Saka siguro mas at peace ngayon si Jennylyn kasi nga nandiyan si Dennis.

Isa naman talaga ito sa dapat mangyari ‘pag buntis ang isang babae, ang supurta ng kanyang katuwang.

Saka sigurado namang pinatatag na rin ng panahon si Jennylyn, na kaya na rin tanggapin kung anuman ang nangyayari sa buhay niya.

Tanggap na niya ang responsibilidad ng mga ginagawa niyang desisyon sa buhay niya dahil stable na rin naman ang career niya.

Kaya naman siguro kahit ano pa ang mangyari, mas gusto niya na isilang ang bata at hindi itago. Dahil dyan, hanga ako kay Jennylyn.

Nawa’y forever silang maging maligaya ni Dennis at ng mga anak nila.

vuukle comment

ZIA

ZIGGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with