^

PSN Showbiz

Gerald Anderson sinorpresa ng motorsiklo PA niyang nag-birthday

Philstar.com
Gerald Anderson sinorpresa ng motorsiklo PA niyang nag-birthday
Makikita sa litrato kung paano napayakap sa saya ang personal assistant ni Gerald Anderson na si Jalal Laidan matapos sorpresahin ang huli ng motorsiklo sa kanyang kaarawan
Mula sa Instagram account nina Gerald Anderson at Jalal Laidan

MANILA, Philippines — Tuwang-tuwa ang personal assistant ng aktor na si Gerald Anderson nang makuha ang matagal nang pinapangarap na motorsiklo, bagay na natanggap niya sa kanyang kaarawan.

Sa kanyang Instagram post, Miyerkules, makikitang inabangan ng 33-anyos na artista ang matagal nang tauhan na si Jalal Laidan bago iprinesenta ang kanyang bagong ride.

"Birthday ni 'anak ng sultan' na si Jalal. Tapos ngayon isu-surprise na natin siya with a motorcycle," banggit ni Gerald na nasa likod noon ng gate.

"Matagal na niyang pangarap 'yan so pagbigyan na natin siya."

Sa video, makikitang napasigaw pa sa tuwa si Jalal habang pinatatakbo ang bagong sasakyan.

Hindi rin niya napigilang yakapin nang ilang beses ang kanyang boss sa kagalakan nang dalhin sa kanya ang motor.

"Marami salamat sa lahat po! Dream come true! thank you so much my boss my brother! @andersongeraldjr #newmotor," banggit niya sa isang hiwalay na IG post.

Binati naman ng ilang showbiz personalities gaya nina ng aktres na si Yam Concepcion, Marjorie Barretto, aktor na si Rayver Cruz, direk Dan Villegas, atbp. ang swerteng PA.

Dati nang sinabi ni Jalal sa panayam ng "Magandang Buhay" kung paano binago ng pagtratrabaho kay Gerald ang kanyang buhay.

"Malaking tulong po kasi lagi akong sumasama sa kanya, dati po akong tambay-tambay lang," wika niya noong taong 2019. — James Relativo

BIRTHDAY

GERALD ANDERSON

MOTORCYCLE

YAMAHA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with