^

PSN Showbiz

Alfred, tiwala sa mga plano ni PM!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alfred, tiwala sa mga plano ni PM!
PM at Alfred
STAR/ File

Pakiramdam ko mas pagod pa si Alfred Vargas ngayon sa kampanya ng kapatid na si PM Vargas na tumatakbong congressman sa District 5 ng Quezon City kesa nung siya mismo ang lumalaban sa pagka-kongresista.

Personal kasi para sa kanya ang pagtulong sa kapatid na si PM  dahil nga very close sila at alam ni Alfred ang kakayahan ng kapatid na manungkulan. Bukod pa sa idol siya ni PM kaya sumunod ito sa landas niya sa pulitika.

Maganda ang naging record ni PM bilang konsehal, at maganda rin ang naging record ni Alfred bilang congressman kaya naman walang duda na makakamit nito ang pangarap na maging kapalit sa iiwan posisyon ni Alfred sa QC.

Marami pang kailangang ipagpatuloy na gawain sa District 5 kaya sigurado ako na hindi sila pababayaan lalo na nga at nakita nila kung gaano kahusay si Alfred sa tatlong termino niya bilang representative ng kanilang distrito.

Ulilang-lubos na ang magkapatid na Vargas at nakakahinayang na hindi nakita ng kanilang mga magulang ang mga tinatamong tagumpay nila.

Mabait at maganda ang formation ng Vargas family, kaya naman matibay at matatag sila sa lahat ng ginagawa.

Tulad kay Alfred, sigurado rin akong hindi kayo mabibigo kay PM.

Expert na sa lovelife...

Parang nakakagulat naman ang mga issue kay Andrea Brillantes. Parang ang bata-bata pa niya pero ngayon ay nasa gitna na ng usapin sa lovelife.

Parang ang hirap isipin na parang baby pa si Andrea pero nakipag-break na pala sa nauna niyang BF na si Seth Fedelin at ngayon in love na naman sa basketbolistang si Ricci Rivero.

Ang sabi katatapos lang nitong mag-debut kamakailan.

So young and already nursing a broken heart.

Sabagay, iba na ang panahon ngayon, siguro nga kaya na ng mga sing-edad ni Andrea na makipagrelasyon and get out of it without a scratch.

Hindi naman mukhang bitter, at mukha namang ok lang, kaya niyang dalhin, kaya tanggapin na natin ang lovelife ni Andrea na iniidolo ng mga kabataan.

vuukle comment

ALFRED

PM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with