^

PSN Showbiz

Revelation ng pamilya Avanzado, tagumpay

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon
Revelation ng pamilya Avanzado, tagumpay
Dingdong at Jessa
STAR/ File

Mang mga nanood ng three-hour Revelation concert nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza kasama ang kanilang anak na si Jayda.

Halos hindi nga raw kayanin ng 93-year-old historic Fox Theatre ang mga dumagsang manonood habang nakiki-sing along kina Dingdong at Jessa.

Naging rebelasyon din umano si Jayda kung saan sumayaw, tumugtog ng keyboards, naggitara at inawit ang ilan sa kanyang orihinal na komposisyon na ikinahanga ng mga Pinoy na nanood ng concert.

Ayon sa ABS-CBN Managing Director for North and Latin America Jun del Rosario: “It was fun to see the performers and the audience ha­ving such a good interaction.”

Sa second half nga ng concert, ikinuwento ni Dingdong na dapat noon pang 2020 gaganapin ang kanilang concert ngunit dahil nga sa COVID-19 ay naudlot ang kanilang mga plano.

Naantig naman ang Fox Theatre General Manager Ernie Schmidt sa concert. Matapos nga ang show, pinuntahan daw nito ang pamilya sa backstage para i-congratulate.

Ayon naman kay Del Rosario, misyon ng TFC na tuluy-tuloy na pagsilbihan ang mga Pinoy mapa-loob o labas man ng sariling bayan. “We need to start investing in things that would somehow bring our community together again. We understand that people are also just starting to get used to going out and socializing again but we are hopeful that by slowly doing these gatherings we can bring big events back to North America, as this is our way of contributing to making our community whole again.”

JAYDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with