^

PSN Showbiz

Yen, sugar mommy ni Paolo ang image?!

TAKE IT TAKE IT - Pilipino Star Ngayon
Yen, sugar mommy ni Paolo ang image?!
Yen Santos at Paolo Contis.

Natawa ako sa intriga na si Yen Santos daw ang gumagasta ‘pag lumalabas sila ni Paolo Contis. Si Paolo na ang gastador kaya walang ipon kahit napakatagal na sa showbiz. Imposible o baka naman dutch treat kaya ganun, ‘yung uso na order mo bayaran mo, or hati tayo sa gastos.

Kahit ano pa ang ibato mo kay Paolo, isang bagay ang ipagmamalaki mo tungkol sa kanya, very gentleman siya. Kaya hindi ko ma-visualize na lumalabas sila at ang nagbabayad ay si Yen.

Maliban na lang kung sobra sa rami ng pera ni Yen na talagang ayaw niyang gumasta ang kasama niya.

Hindi ako maniniwala na magagawa ni Paolo na magsamantala sa isang babae at napakabata naman ni Yen para maging sugar mommy, heh heh heh.

Basta maligaya si Paolo, ok lang. Baka nga totoo na seryoso sila ni Yen, why not? Pareho naman silang available, basta walang sabit, go.

Maikli lang ang buhay, enjoy.

Kris, bawal na sa kampanya

Siguro naman kahit hindi na umakyat sa stage si Kris Aquino alam na ng lahat na Kakampink siya.

Balita kasi na ayaw ng ilang senador na sumali sa kampanya sa mga rally si Kris dahil nga sa kalagayan nito na malaki nga namang security risk kung iisipin.

Kaya huwag na ring ipilit ni Kris na umakyat pa sa stage dahil isipin niya ang health condition niya.

Ang payat-payat ni Kris na baka maitulak o ano pa ang mangyari ‘pag nasa crowd lalo na at maraming tao. Alam na ni Pink lady Leni Robredo na suportado siya ni Kris, kahit pa nga hindi na ito sumama sa kampanya, pahinga at pataba ka nang konti Kris, saka ka na magpilit sumama sa rally. Health is wealth.

YEN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with