^

PSN Showbiz

Marian at Dingdong, parang bagets sa bagong palabas

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian at Dingdong, parang bagets sa bagong palabas
Dingdong at Marian
STAR/ File

Ang ganda ng mga pinalabas na teaser ng GMA 7 na mga bagong palabas nila. Isa sa mga napansin ko ‘yung pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ang cute ng combination nilang dalawa at para bang mga bagets pa sila sa teaser. Maganda rin ‘yung teaser ni Alden Richards. Parang interesting din dahil bagong tambalan nila ng makakasama niyang artista na hindi naman mukhang Tita in fairness, auntie lang naman.

‘Yung iba pang launching projects para sa Sparkle magaganda rin ang theme kaya tiyak na magugustuhan ng viewers.

Mukhang jackpot na naman ang GMA 7 sa ratings sa mga bagong ilulunsad na programa. Kaya masaya na naman ang stars na kasama sa mga bagong ilulunsad na mapapanood na sa start ng buwan ng May.

Abangan at watch natin lahat.

Heart at Kylie, pinakakalma ng kanilang pets

Parang naka-relate ako doon kay Kylie Padilla na pet therapy. Totoong ‘pag meron kang pet, parang nawawala ang pagod mo ‘pag naglalambing ito sa iyo.

At gusto ko rin ‘yung project nina Chiz Escudero at Heart Evangelista na shelter, and treatment place para sa homeless stray animals.

Dahil parehong dog lovers sina Chiz at Heart, talagang ito ang gusto nilang charity, ang tulungan ang mga nagkalat na animals sa daan, gamutin ang mga aso at pusa na nagkakasakit sa kalye.

Naku, dapat talaga maging responsible pet owner ang sinumang may alagang aso at pusa dahil may buhay rin ang nga ito kaya dapat inaalagaan ng mabuti. Nakakaawa naman na basta hahayaan mo na mamatay na lang sa daan. Marami na nga ngayon ang theraphy dogs sa USA, kung saan kasama sa caregiving ang dogs sa loob ng hospital.

Ang laki talaga ng ginhawa na mapi-feel mo ‘pag niyakap ka ng isang aso o pusa, para bang haplos ng isang nagmamahal. Totoo ‘yung sinabi ni Kylie, na kalma ang pakiramdam niya after tabihan siya ng kanyang dog nang down na down ang feeling niya. Truly, pet therapy is one cure we can rely on.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with