^

PSN Showbiz

Bea kinakabog sa ingay ni Ana!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bea kinakabog sa ingay ni Ana!

Kaloka mga drama ni Ana Jalandoni.

Iyong sinabi niya na naghanap siya ng signal at nakatulog sa ibang floor na malayo sa room kung saan sila naka-stay ni Kit Thompson parang eksena sa teleserye ha.

Pero talagang ang love affair nila ni Kit masasabing isang relasyon na puno ng trouble. Laging may away, physical, verbal abuse, parang hindi healthy pero lagi naman nagkakabalikan silang dalawa.

Dapat siguro ayusin nila at magnilay kung ano ba talaga ang nadarama nila para sa isa’t isa. Talaga bang may pagmamahal dahil bakit violent ang nangyayari?

Gusto ba nila na laging may nasasaktan physically? Kaloka talaga ang relasyon nilang dalawa, dapat ayusin mabuti. Hindi maganda.

Pero ang parang naisip ko mas sikat na si Ana kesa kay Bea Alonzo. Hahaha.

Imagine may part 1 and 2 ang interview ni Boy Abunda kay Ana, tapos lagi pa siyang headline ng PM at PSN at iba pang tabs. Kaya parang mas gusto ko na mag-concentrate kay Ana dahil parang sawa na ako kay Bea.

Saka mas mukhang yummy si Ana dahil ayaw pawalan ni Kit ‘di ba.

Mukhang baliw sa pag-ibig si Kit kay Ana eh si Bea na-ghosting pa.

Kaya now, kay Ana na lang ako, mas sikat pa kay Bea.

Stop Bea Alonzo na ako, promise para hindi na sakit ulo ni Shirley Kuan kaiisip kung ano gagawin para i-cancel kaming tatlo nina Salve at Gorgy.

Saka buti pa si Ana, sexy at bata pa.

Babu...

BEA ALONZO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with