^

PSN Showbiz

Paulo, tuloy ang bonding sa anak

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Paulo, tuloy ang bonding sa anak
Paulo at Aki.

Sa third and last show ng OA sa Love in the U.S.A. na ginanap sa Morongo Casino Resort & Spa sa Cabazon, California noong Sunday (Monday morning sa Philippines), katsikahan ko sa backstage si Paulo Avelino habang magka-duet on stage sina Ogie Alcasid at Janine Gutierrez.

Tinanong ko ang Kapamilya hunk kung excited na ba siyang pumunta ng New York City para dalawin ang anak niyang si Aki?

Sa NYC na based si Aki kasama ang inang si LJ Reyes at half sister na si Summer (anak ni Paolo Contis).

“Yes, Kuya Jun. Finally, magkikita na kami ni Aki. Pero may school kasi siya kaya hindi ko siya makakasama araw-araw. May days lang na puwede plus weekend,” tsika ng aktor.

Pero at least, makakapag-bonding sila ng anak.

Ang maganda, sa third quarter ng taon na ito ay may project na gagawin si Paulo sa NYC kaya makikita na naman niya si Aki.

Anyway, bago nga pala ‘yung second show nina Paulo, Janine at Ogie sa Sycuan Casino sa El Cajon noong Sa­turday evening (Sunday morning sa atin), nag-Disneyland muna ang PauNine.

Kahit mahirap mag-book ng tickets ngayon sa Disneyland ay nagawa nina Paulo at Janine na makakuha noon pang nasa Philippines sila dahil gusto talaga nilang makapunta ng theme park sa California.

Bongga!

Asawa ni Morisette, official photog / videographer

Aliw ako sa mister ni Morissette Amon na si Dave Lamar dahil like his wife, wala rin siyang kaere-ere.

Kasama ni Morissette sa Threelogy concert tour si Dave at siya ang nagkukuha ng videos and pictures ng misis.

Sabi ni Morissette, si Dave ang in-charge sa bagay na ‘yon para may mai-post siya sa kanyang social media accounts.

In fairness to Dave, enjoy siya sa kanyang ginagawa.

Pero siyempre, may mga fan din si Morissette na namumukhaan si Dave, kaya nagpapa-picture rin sila na kasama ang mister ng Asia’s Phoenix.

‘Yun na!

 

PAULO AVELINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with