^

PSN Showbiz

Ogie, ninong sa kasal ng Paunine?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ogie, ninong sa kasal ng Paunine?!
Janine at Paulo.

Naku, Ateng Salve, consistent talaga ang PauNine fans nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez, at talagang may request sila sa amin na paaminin na raw ang dalawa.

Pero ang hirap naman kung kukulitin ko sila sa gitna ng OA sa Love in the USA California concert tour ni Ogie Alcasid kung saan sila ang special guests.

May iba pa na ang request ay mag-kiss daw sana sina Paulo at Janine sa kanilang duet kaya talagang nakakaaliw.

Oo nga pala, sobrang tilian ang mga fan nang magbiro si Ogie na magpakasal na ang dalawa at siya raw ang ninong sa second show nila na ginanap sa Sycuan Casino sa El Cajon.

Pero siyempre, biro lang ni Ogie ‘yon dahil like the PauNine fans, sobrang kinikilig din siya kina Paulo at Janine, huh!

Ang bongga!

Anyway, sold out ang se­cond show nila noong Saturday kaya tuwang-tuwa ang tatlo. Ang sweet din ng lola ni Janine na si Ms. Eva Rodriguez dahil talagang nanood uli sila ng husband niyang si Michael sa second show ng kanyang apo. After nga ng show, nagkita ang mag-lola at nagtsikahan pa.

Ruffa at Rufa Mae, nagsama sa kampanya

Magkasama sa isang out of town campaign event ang magkaibigang Ruffa Gutierrez at Rufa Mae Quinto. Siyempre, aliw si Ruffa, pati ang nanay niyang si Annabelle Rama kay P-chi (palayaw ng sexy comedienne). No dull moment nga raw kapag kasama si P-chi.

Sabi ni Ruffa, sobra rin niyang na-miss si P-chi na ang tagal ding nag-stay sa Amerika. Ilang pro­jects din namang nagkasama sina Ruffa at P-chi kaya close rin talaga sila.

JANINE GUTIERREZ

PAULO AVELINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with