Concert nina Julie Anne, Jessica, at Xian sa Dubai, dinumog ng mga Pinoy!
MANILA, Philippines — Matagumpay ang pagbabalik sa live concert events abroad ng GMA Pinoy TV nitong nagdaang March 30 dahil libu-libong mga Pilipino ang dumalo para mapanood ang Stronger Together: GMA Pinoy TV @ Expo 2020 Dubai.
Sa pagtatapos ng pinakamalaking expo sa mundo, save the best for last ang naging concert na pinangunahan ng Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin, at Xian Lim dahil jam-packed ang Dubai Millennium Amphitheatre.
Maraming humanga sa world-class na performances ng Kapuso stars na sinamahan pa ng Pinoy performing groups na naroon din sa Dubai.
- Latest