^

PSN Showbiz

Barbie, kinimkim ang hiwalayan nila ni Diego

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Barbie, kinimkim ang hiwalayan nila ni Diego
Barbie
STAR/ File

Napababalitang nagkabalikan na diumano sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga. Agad namang nilinaw ng aktres ang tungkol dito. “Hindi kami nagkabalikan. Okay po kasi kami, hindi naman po kami magkaaway pero hindi naman po kami nagbalikan. Friends lang, kulitan lang,” bungad ni Barbie.

Aminado ang aktres na hindi naging madaling tanggapin ang paghihiwalay ng dating kasintahan mahigit tatlong buwan na ang nakalilipas. “Parang hinintay ko ng one week. Sinolo ko talaga ‘yung breakup. As in nasa kwarto lang ako, sobrang lungkot ko talaga. Ako kasi alam ko po talaga kapag nasasaktan ako ay mas doble ang sakit para sa nanay ko. So kinimkim ko muna mag-isa. Tapos no’ng med­yo kaya ko na nang kaunti ay doon ko sinabi kay mama. No’ng nag-break kami ni Diego siguro two weeks na sa kwarto ko siya natutulog. Palagi niyang ina-advice sa akin na pray lang at nire-remind niya ako na bata pa ako, marami pang mangyayari sa life ko,” kwento niya.

Sa ngayon ay nanatiling magkaibigan ang da­ting magkasintahan. Para kay Barbie ay maayos na rin ang lagay ng kanyang puso sa kasaluku­yan. “Ngayon po sobrang happy na talaga ako. Finally, finally after three months ng breakup namin, I am okay na, happy,” pagtatapos ng dalaga.

Bea, handa na ang sagot ‘pag nag-propose si Dominic

Kamakailan ay nagkita-kita ang magkakaibigan na sina Bea Alonzo, Dimples Romana, Angelica Panganiban, Anne Curtis at Angel Locsin. Sa limang magkakaibigan ay si Bea na lamang ang maituturing na walang asawa o anak. Matatandaang masayang ibinalita sa publiko ni Angelica ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. “I’m very, very happy for my friends, lalo na si Angge. Alam ko talaga na ‘yon talaga ang matagal na niyang gusto, na magkaroon ng baby. So I’m very, very happy for her. Siyempre may kanya-kanya tayong timeline. Hindi ako mapi-pressure because all of my friends are married or gonna get married or having babies. Sa totoo lang, kung na-pressure ako, parang dapat 5 years or 4 years ago pa. Kasi ‘yung mga kaibigan from high school, mga nagsipag-asawa na, saka mga nagsipag-anak na. Kanya-kanya tayo ng blessings and I refuse to be compared to these wonderful women. Kasi kanya-kanya tayo ng strength and weaknesses,” makahulugang pahayag ni Bea.

Masaya ang relasyon ng aktres at kasintahang si Dominic Roque nga­yon. Nakahanda na kayang mag-asawa si Bea kung sakaling mag-propose na ng kasal sa kanya ang aktor? “Oh my God! Oo nga, siyempre naman. I mean hindi naman ako nandito sa relasyon para lang maglaro. Alam naman natin na siyem­pre at my age I want that also. I can’t speak for him and alam naman niya na marami rin akong gagawin. Pero kung sakaling magpo-propose siya siyempre o-oo ako pero siyempre I’ll cross the bridge when I get there,” sagot ng dalaga.

Sa darating na Oktubre ay magdiriwang si Bea ng kanyang ika-tatlumpung limang kaarawan. Para sa aktres ay maraming mga bagay na ang kanyang natutunan sa paglipas ng mga taon. “Siguro, society taught us na kapag 30s ka na, ang babae dapat nag-aasawa na, nagse-settle down na. Eh that time I was at the point of my life na ibang-iba pa ang buhay ko noon. Ibang-iba pa ang circumstances and I wasn’t there yet. Parang ang iniisip ko, ‘Anong gagawin ko, 30s na ako?’ Tapos na rin ako sa iba kong mga pangarap. But then when I finally turned 30, parang iba pala ‘yung buhay. When I was in my 20s, mas marami kang reservations or insecurities. Pero ngayon parang kaya ko nang sabihin freely what’s in my heart. Less filtered ka na and parang mas masaya ‘yung 30s for me, personal experience ko. Parang mas enjoy ako,” paliwanag ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with