^

PSN Showbiz

P-Pop boy group 1st.One, pumirma ng kontrata sa Warner

Pilipino Star Ngayon

Pumirma ng deal ang Warner Music Philippines kasama ang 1st.One – isang six-member P-pop boy group na kinabibilangan nina Ace, Alpha, J, Jayson, Joker at Max.

Ang 1st.One ay ang unang Pilipino group sa roster ng Seoul-based talent management company na FirstOne Entertainment. Ang iba pang talents sa ilalim ng naturang kumpanya ay ang River of Tears singer na si Na Yoon Kwon, ang rapper na si Kisum, at ang dating F-ve Dolls member na si Heo Chanmi.

Unang ipinakita ng 1st.One ang marka nito sa mundo ng P-pop bago pa man ang kanilang opisyal na debut nuong 2020. Lumahok sila sa 28th Philippine-Korea Cultural Exchange Festival nung Setyembre 2019, kung saan nagwagi sila bilang first place sa dance category. Sila rin ang grand winner sa Seoul Music Awards PH Dance to Your Seoul competition sa taong 2019 din.

Nag-opening number din ang grupo sa Seoul Music Awards 2020, kasama ang Monsta X, NCT, Red Velvet, TWICE at iba pang K-Pop ar­tists at sila ang unang Pinoy artists na nakapag-perform sa pomosong Korean awards ceremony na ito.

Matapos ang maikling pamamahinga, nagbalik ang grupo earlier this year at nilabas nila ang catchy single na Shout Out, na isang awitin na nagbibigay pugay sa mga Pilipinong sundalo who fought alongside Korean soldiers sa 1950s Korean War.

Pinaliwanag ni Ace, na lider ng 1st.One, na sinulat niya ang lyrics ng kanta dahil gusto niyang magbigay pugay sa mga sundalo na lumaban sa giyera upang mabuhay ang mga tao nang malaya.

Sa ngayon, halos 2 milyon na ang views sa YouTube ng opisyal na music video ng Shout Out. Naglabas din ang 1st.One ng iba pang video clips upang suportahan ang single, at kasama na rito ang dance performance video ng Shout Out – na isang dance practice video, at isang two-part behind-the-scenes documentary na nagpapakita kung paano kinunan ng grupo ang kanilang music video sa gitna ng pandemic.

Ayon kay Sarah Ismail, na Managing Director of Warner Music Philippines, “We are very excited to be partnering with 1st.One. Watching their music video for Shout Out, I was blown away by their energy and amazing dancing. They have thoroughly impressed us with their ambition and determination to not only succeed, but to inspire. Warner Music Philippines are proud to amplify their sound and pave the way for their dreams.” 

MUSIC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with