^

PSN Showbiz

Tiyan ni Heart, nagkapasa-pasa sa sinusuot na accessories?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Tiyan ni Heart, nagkapasa-pasa sa sinusuot na accessories?!
Heart.

Pasa lang dahil sa mga sinusuot na accessories sa katawan ang black marks sa tiyan ni Heart Evangelista.

Ito ang theory ng isang malapit kay Heart.

Pinag-uusapan nga kasi ang nasabing dalawang animo’y marka sa kanyang tiyan nang mag-upload siya ng Reel sa Instagram.

Hindi siguro na-anticipate ni Heart na magiging visible ang nasabing para ngang pasa.

Feeling ng isang ka-chat ko, baka nga sa suot na belt or pantalon ang nasabing marka. Baka raw sobrang sikip.

May nagsasabi rin kasi na baka dahil sa IVF (in vitro-fertilization) dahil baka raw sumusubok silang magkanak ng mister na si Gov. Chiz Escudero.

“I doubt, busy sila. Saka kung IVF ‘yun ‘di naman siguro niya ipakikita,” komento pa ng ka-chat ko.

Ah kung anuman ang markang ‘yun, parang ‘di naman nakasira sa reel ni Heart, though talagang lutang kasi nga itim ang kulay at ang layo sa kanyang totoong kulay.

Babaeng personalidad, tuloy ang pangingialam sa pulitika kahit masama ang pakiramdam!

Kahit pala may nararamdaman ang babaeng personalidad, tuloy ang pangingialam nito sa pulitika.

Pero over-acting daw ang babaeng personalidad sa pangingialam. Dahil sa kanya raw naudlot ang malaking financial donation sana ng isang mayamang negosyante sa isang kumakandidato sa pagka-presidente.

Nang malaman daw kasi ni babaeng personalidad na magdo-donate ang isang tinuturing niyang kaibigang negosyante sa isang presidential candidate matapos itong mag-back out sa naunang sinuportahang presidentiable, umepal daw si babaeng personalidad at sinabi sa negosyanteng sasama siya sa meeting.

At nang mag-meeting, minanipulate na diumano ni babaeng personalidad ang usapan hanggang hindi na makapagsalita ang presidentiable na pagbibigyan sana ng donasyon ng negosyante.

Kaya ang ending, nag-back out daw ang businessman, at lumipat na sa ibang presidentiable.

Kaya nawalan daw ng malaking donasyon ang nasabing presidentiable na kailangan pa naman ngayon ng pondo lalo na nga at matindi ang laban nito.

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with