^

PSN Showbiz

Aktres, balak nang layasan ang career sa Pinas!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Mukhang enjoy ang aktres na ito sa stay niya sa Amerika kaya ang tsika ng isang malapit sa kanya, pinag-iisipan na raw nito na mag-apply ng extraordinary ability visa.

Uuwi raw muna si aktres ng Philippines, pero may immigration lawyer na raw ito na kino-consult tungkol sa planong magka-greencard.

Handa na kaya talagang iwanan ni aktres ang kanyang career sa Philippines?

Well...

‘Yun na!

Morisette at Dave, parang may honeymoon sa concert

Alam mo ba, Salve, ang saya ng grupo nina Erik Santos, Morissette Amon at Christian Bautista nang dumating sila sa Los Angeles, California noong Wednesday, 11:00 a.m. (kahapon ng 2:00 a.m. sa Philippines).

Dumating ang tatlo sa Tom Bradley International Airport dahil sa LA ang kick-off show nila ng Threelogy US concert tour.

Bale may six shows sila at una na nga ang sa City National Grove of Anaheim ng April 1 (bale bukas ng 11:00 a.m. sa atin).

Si Ms. Pen de Leon-Manahan ng Spotlight Media Entertainment ang producer ng kick-off show ng Threelogy at sabi nga niya sa presscon, 85% na ang nabentang tickets para sa show ng tatlong mahuhusay na singer natin.

Bago matapos ang presscon, may mga um-order pa ng tickets at sabi nga ni Ms. Pen, malamang na ma-sold out na bago magsimula ang concert.

“Maraming nagtatawagan nang malamang dumating na silang tatlo,” sey ni Ms. Pen.

Actually, hindi kasi natuloy ang Mad About Love concert sana ni Morissette with Sam Concepcion at ang sabi ire-rechedule raw ng September ‘yon, kaya may ibang duda na baka hindi rin matuloy ang concert na ito ni Morissette kasama sina Erik at Christian.

Pero nang ma-post na nga sa social media na nasa LA na ang tatlo, mas dumami pa ang nagkainteres na manood nito. “I’m thankful at natuloy rin kami ni Morissette at ang maganda pa nga, kasama na sina Erik at Christian dito sa Threelogy. I’m happy,” pahayag pa ni Ms. Pen.

Nakasama pa ni Morisette ang mister na si Dave Lamar sa biyaheng ito.

Biniro ko nga si Morissette na parang honeymoon pa rin nila ng mister dahil last year lang sila ikinasal. “Yes, Kuya Jun, parang honeymoon pa rin namin.”

Alam mo, Ateng Salve, bumilib ako kay Morissette, pati sa mister niyang si Dave, dahil ang bait-bait nila.

Sina Erik at Christian noon ko pa katsikahan at talagang alam ko na mabait, pero si Morissette nga dahil sa mga intriga sa kanya, akala ko ay mahirap i-approach, pero in fairness, ang saya niyang kasama, kaya sobrang enjoy ako sa pakikipagtsikahan sa kanya, huh!

AKTRES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with