^

PSN Showbiz

Will at Rudy, tinanggap ang pagkakamali

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Will at Rudy, tinanggap ang pagkakamali
Rudy
STAR/ File

‘Yung init ng ulo talagang will make you do things na later on, pagsisihan mo rin. Siguro kung medyo pasensiyoso ka lang, maghintay ng isang minuto para maalis ang init ng ulo mo, hindi mo magagawa iyon biglang silakbo ng galit.

‘Yung ginawa ni Will Smith ganundin ang nangyari kay Rudy Fernandez nang biruin ni Bert ‘Tawa’ Marcelo si Lorna Tolentino noon sa isang awards night. Talagang sinampal na ikinabigla ng lahat dahil nga parehong well loved sa showbiz sina Rudy Fernandez at Bert Marcelo. Ganundin si Will Smith, ikinagalit ang biro ni Chris Rock sa asawang si Jada kaya naganap ang sampalan sa Oscars.

Hindi mo talaga alam ang maaaring maging reaction sa mga biro mo kung minsan. ‘Yung joke depende rin kung paano tinatanggap ng binibiro mo. Pero iyon namang init ng ulo dapat ding intindihin dahil emotional outburst iyon. Saka malaking bagay din na humingi ng apolo­gy ‘yung gumawa ng kasalanan.

Very manly na nag-apologize sina Will Smith at Rudy Fernandez sa nagawa nila.

Ang hirap ding gawin iyon pero nagawa nila bilang pagtanggap sa kanilang pagkakamali. Tanggapin natin na kahit sinong tao, dumara­ting ang moment na bigla kang nag-i-snap dahil hindi mo nagustuhan ang isang pangyayari. ‘Yung tanggapin ang apology nila isa ring sign ng maturity at wisdom, dahil alam nating hindi araw-araw ay good day sa isang tao, may araw na hindi maganda ang feeling mo kaya sensitive ka.

We wish na sana hindi laging may nangyayaring ganito, pero kung meron man, tanggapin natin, dahil normal flow of life. One moment of madness na hindi mo mapigilan. Kaya huwag iinit ang ulo lalo ngayon na mainit ang panahon, bad bad iyan.

Bea, nagpahintay!

Ang bait talaga ni Rhea Tan ng Beautederm. Talagang kahit na late ng dalawang oras sa meet the press si Bea Alonzo, binigay pa rin niya ang oras at napakagandang launching para sa ambassador niya na siguro kaya na-late matagal ay tinakpan ang wrinkles ng foundation para hindi makita. Or baka naman dahil nga malapit nang maging senior star si Bea med­yo mabagal na ang kilos dahil sumasakit na ang mga buto.

Baka kaya nag-request siya na huwag kaming pumunta nina Salve at Gorgy para hindi kami mainip dahil nga dalawang oras siyang male-late at dahil mahal niya kaming tatlo ni-request niya na huwag kaming i-invite. Bongga ang pagiging professional ‘di ba, dalawang oras paghintayin ang writers.

Talagang dapat siyang magpasalamat sa Beautederm, imagine mo kunin kang ambassador at that age, bongga, ‘di ba? Kaya sure akong magiging number one top seller ang product na ie-endorse niya, dahil proof si Bea Alonzo ng isang mature na pero hindi halata dahil sa paggamit ng Beautederm products.

vuukle comment

OSCARS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with