^

PSN Showbiz

Charlie, napi-pressure ‘pag may bagong trabaho!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Charlie, napi-pressure âpag may bagong trabaho!
Charlie
STAR/ File

Sa tuwing may gagawing bagong proyekto ay aminado si Charlie Dizon na talagang nakararamdam siya ng pressure. Matatandaang nanalo bilang Best Actress ang dalaga noong 2020 at 2021 para sa pelikulang Fan Girl na pinagbidahan nila ni Paulo Avelino. “Hindi ko maitatangging nakaka-pressure siya talaga pero kahit no’ng wala pang awards, talagang nandoon pa rin ‘yung pressure na lagi kong galingan, lalo kong pagbutihin ‘yung ginagawa ko,” pagtatapat ni Charlie.

Sa susunod na buwan ay muling magbibida ang aktres sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya. Gagampanan ni Charlie ang karakter ng isang OFW o overseas Filipino worker. “Gusto ko talagang maipakita rin ‘yung character ng totoong tao at as much as possible na close sa nangyari sa kanila ‘yung emosyon niya. Siyempre gusto mong ma-portray nang maayos talaga,” giit niya.

Ayon kay Charlie ay talagang maraming mga bagay ang kanyang natututunan sa tuwing may proyektong ginagawa. “I make sure na every time na may bago akong set na tinutuntungan, may matututunan po talaga ako. ‘Yung tipong alam ko na, ‘Ay! Di ko ‘to alam dati ah’ nag-o-observe po talaga ako. I make sure na may natututunan pa rin po ako sa kada ginagawa ko,” pagtatapos ng dalaga.

Maris, hindi naniniwala sa second chance

Nagbigay ng opinyon si Maris Racal tungkol sa pakikipagrelasyon. Para sa dalaga ay hindi kailangang patagalin pa ang isang relasyon kapag naramdaman mong hindi ka na pinapahalagahan ng taong mahal mo. “Ako usually ‘yung turning point ko kapag na-realize ko na parang wala akong progress or feeling ko back to square one ako sa kung ano mang na-build ko sa sarili ko, self worth. Kapag feeling mo worthless ka na kasi ‘yung taong minamahal mo, hindi nakikita ‘yung worth mo. Usually ‘yan ‘yung tur­ning point ko na, ‘Ah, ayoko na ‘to.’ Kapag ikaw kasi nag-decide na ayaw mo na, kapag ikaw ‘yung namulat sa relationship na ‘yon na, ‘Ayoko na ‘to. Hindi na ‘to para sa akin.’ ‘Yon pa lang eh, alam mo  na dapat ka nang mag-move on,” makahulugang pahayag ni Maris.

Para sa aktres ay importanteng mahalin muna ang sarili bago muling pumasok sa isang relasyon. “Start mong mahalin ‘yung sarili mo. Kasi nasaktan ka eh, so pupunuin mo ‘yung sarili mo ng pagmamahal. Gawin mo ‘yung mga bagay na matagal mo nang gustong gawin pero hindi mo nagagawa sa relationship n’yo. Like lahat ng mga bagay na magpapasaya sa ‘yo, kahit short term happiness. ‘Pag healing process, ‘yung number one priority mo is yourself,” paliwanag ng dalaga.

Hindi umano naniniwala si Maris sa second chances. Kung sakaling nagkahiwalay na sila ng nobyo ay hinding-hindi na raw makipagbabalikan ang aktres sa dating nakarelasyon. “Ayaw, ayaw ko ng second chances eh. Kasi for you guys to be over, that means may pangit na nangyari. But depende sa breakup, like kung mutual understanding naman, for career and stuff, and then in the future okay ka, baka, I don’t know. Depende sa anong nakatakda sa ‘yo. Pero kunyari in a relationship kayo tapos may kasalanan ‘yung isa and humihingi ng second chance at mahal mo pa, pwede naman i-workout. Depende sa inyo,” pagbabahagi ng aktres.

(Reports from JCC)

PAULO AVELINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with