^

PSN Showbiz

Donny, times ten ang challenge sa bagong serye

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Donny, times ten ang challenge sa bagong serye
Donny
STAR/ File

Malapit nang mapanood ang ikalawang season ng He’s Into Her na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.

Ayon sa aktor ay mas dapat pakaabangan ang love story ng kanilang mga karakter na sina Deib at Max. “In a relationship sila. They’re going through the struggles and the good sides as well. That every couple goes through in relationships. But hindi lang ‘yon ‘yung aspect of Deib na makikita nila. The trailer also touched on the fact na pwede ako maging expelled because of all the past stuff that I’ve done with all the bullying. So you’re also going to see that side of Deib. How he will go through that together with all the problems he will face just in gene­ral,” pagbabahagi ni Donny.

Aminado ang binata na talagang na-challenge sila ni Belle sa trabaho para sa bagong season ng naturang serye. “Mas complex this time. Hindi siya ‘yung season 1 na I started out as a bully. I can do anything I want and no one’s going to do anything. Tapos ngayon you see the complete shifty story-wise and character-wise in how I would have to go through life. With my problems with my brother, with my relationship, and my school. So carrying all of that all of a sudden it’s not a joke and I really had to put myself in Deib’s shoes.

“And may scenes dito na sobra ako emotionally na-drain siguro after. Kasi hindi ko na alam kung anong gagawin ko after kasi sobra akong nalagay sa shoes niya. I really felt to parang feel that certain way. Wala akong sino-spoil ha. Siguro mas elevated times ten ‘yung season 2 for me in terms of emotions,” paliwanag ng aktor.

AJ, enjoy sa pagiging kontrobersyal

Marami nang kinasangkutang isyu si AJ Raval kahit baguhan pa lamang sa show business. Para sa sexy star ay nai-enjoy naman niya ang mga kontrobersiyang nag-uugnay sa kanya. “Honestly, parang nai-enjoy ko rin po ‘yung may mga isyu-isyu. Kasi that means may kinapupuntahan ‘yung career ko. So may part sa akin na pinagtatawanan ko sila dahil sa mga eskandalo na binubuo nila. ‘Yon lang ang masasabi ko, parang nai-enjoy ko rin po siya,” pagtatapat ni AJ.

Matatandaang noong isang taon pa nauugnay si Aljur Abrenica sa dalaga. Ngayon ay kumpirmadong magkasintahan na ang dalawa. Ayon kay AJ ay wala na siyang pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanilang relasyon ng aktor. “Hindi naman importante sa akin ang opinion ng ibang tao. Ang importante, ang opinion ng malapit na tao sa akin. Sana makita n’yo si Aljur kung paano ko siya nakikita. Napakabuti ng puso ng taong iyon. Kung paano niya mahalin ‘yung anak niya, ‘yung pamilya niya, kung paano siya tumingin sa mga tao, pantay-pantay,” paliwanag ng sexy actress.

(Reports from JCC)

vuukle comment

DONNY PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with