^

PSN Showbiz

Paulo, napagkamalang suplado!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Paulo, napagkamalang suplado!
Janine at Paulo.

Alam mo, Ateng Salve, pagod ako sa pagko-cover sa kick-off show ng OA sa Love in the USA California concert tour na nagsimula noong Saturday night (kahapon ng 11:00 a.m. sa Philippines) sa Alex Theater sa Glendale, pero ang saya lang sa pakiramdam na marami ang nag-enjoy kina Ogie Alcasid, Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Ang saya nga nilang tatlo nang magkaroon kami ng selebrasyon after ng show. Actually, lahat ng kasama sa show ay ang saya-saya.

Si Janine, doble ang masaya dahil nanood nga ang kanyang lola na si Ms. Eva Rodriguez (biological mother of Lotlot de Leon).

Nag-long drive si Lola Eva at ang mister niyang si Michael mula sa San Diego para mapanood si Janine.

“Excited ako na mapanood si Janine, kaya okey lang na nag-long drive kami ng husband ko,” sey ni Lola Eva nang makatsikahan namin bago nag-start ang show.

Sabi naman ni Paulo, lalo silang gaganahan sa two shows pa nila, ang April 2 show nila sa Sycuan Casino Resort sa San Diego at ang April 3 show nila sa Morongo Casino Resort & Spa sa Temecula.

Si Ogie naman, sobrang thankful sa lahat ng mga nanood. Tuwang-tuwa rin siya dahil ilang mga kaklase niya mula sa De La Salle Greenhills ang nanood ng kanyang show. Ang iba ay kasamahan niya noon sa grupong Kundirana.

Alam mo, Salve, masaya rin talaga ang makasama sa concert tour nina Ogie, Janine at Paulo dahil pare-pareho silang mababait.

Ang iba, ang akala supladito si Paulo, pero ang totoo ay sobrang bait niya.

Nang magpaalam nga ako sa grupo dahil magde-deadline pa ako, kinausap pa ako ni Paulo at sinabihan na dapat ay gumawa na ako ng sariling YouTube channel at siya raw ang unang magpapainterbyu.

In fairness, kaka-touch si Paulo!

Piolo, Sam at Jaya, may show rin sa Amerika

May show rin pala sina Piolo Pascual at Sam Milby sa Sycuan Casino Resort on July 9 at kasama nila si Jaya. Ang title no’n ay The Heartthrobs.

Nasa California rin ngayon si Piolo pero ang alam ko ay uuwi pa siya ng Philippines para sa cycle 3 lock-in taping ng Flower of Evil nila ni Lovi Poe.

Eh, si Sam, may concert tour rin sa Canada with girlfriend Catriona Gray ng May, kaya hindi naman sigu­ro siya didiretso na sa California dahil July pa naman ang show nila ni Piolo.

Anyway, kaliwa’t kanan ngayon ang Pinoy shows sa Amerika ay Canada, huh!

Ang bongga lang.

‘Yun na!

JANINE GUTIERREZ

PAULO AVELINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with