^

PSN Showbiz

Dingdong, kuha ang kiliti ng viewers!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, kuha ang kiliti ng viewers!
Dingdong
STAR/ File

Ang husay-husay mag-host ng Famil­y Feud ni Dingdong Dantes.

Talagang master na niya ang paglalaro ng mga contestant, alam na niyang kunin ang kiliti ng viewers. Saka napaka-pleasant niya sa pagtatanong, at pagkuha ng sagot. Feel mo ang excitement ng laro dahil kay Dingdong.

Perfect choice siya talaga para sa Family Feud, kaya naman lalo pang tumataas ang rating nito.

Talagang ang tipo ni Dingdong ang bagay ma­ging host dahil iba ang energy niya, at ‘yung respeto niya sa mga kasali. Saka siyempre, articulate person si Dingdong kaya well-versed at hindi gaya ng iba na kinakapa lang ang sitwasyon. Perfect for Family Feud at bagay talaga sa oras ang programa. Dala nito ang energy para sa kasunod kaya malaking bagay na bongga ang Family Feud, plus perfect si Dingdong.

Bea, ipapalit kina AiAi at Pokwang?!

Ayaw kong maniwala sa balita na may mga nag-iisip ibigay kay Bea Alonzo ang mga role na ginagam­panan nina AiAi delas Alas at Pokwang. Hindi naman siguro totoo iyon noh! Ang ganda at ang bata pa ni Bea Alonzo kahit na nga malapit na siyang mag-40 pero wala pang anak at asawa.

Bakit naman aagawan pa ng role sina AiAi  at Pokwang, kawawa naman. Siyempre dahil bonggang star si Bea baka siya ang piliin ng producer kesa kina AiAi o Pokwang.

Sabagay, doon sa commercial na magkasama sila ni Alden Richards talagang kitang-kita mo na parang mas mature siya kesa kay Alden. Very fresh at young si Alden eh mukhang nag-mature si Bea, kaya pala sinasabi na mukhang Tita Bea siya ni Alden Richards.

Kaya siguro mas pinili ni Gerald Anderson si Julia Barretto dahil imagine mo ang laki ng difference ‘pag nagtabi sina Bea at Julia, mukhang yummy at batang-bata si Julia compared kay Bea.

So ghosting ang Gerald, hah hah hah. Tapos ngayon sasabihin nila, ‘di ba Salve at Gorgy, na ‘yung roles nina AiAi at Pokwang baka mas mapunta kay Bea, unfair naman iyon. Bata pa naman at may asim pa si Bea, kaya puwede pa ring gumanap na love interest nina Dante Rivero at Eddie Gutierrez.

Puwede pa rin siyang lumabas sa loveteam, basta sa senior stars na. With her manager Shirley Kuan all the best roles for Bea Alonzo will be available. Bagay na rin siya sa commercial ng mga milk for senior citizens, dahil magiging very effective ito.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with