^

PSN Showbiz

Xyriel, gustong maka-loveteam si Zaijian

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Xyriel, gustong maka-loveteam si Zaijian
Xyriel
STAR/ File

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong makatambal ni Xyriel Manabat si Zaijian Jaranilla sa isang proyekto.

Matatandaang sumikat ang dalawang child stars noon dahil sa kanya-kanyang proyekto na kanilang pinagbidahan. “Parang feeling ko po mabibigyan po namin ng justice if ever magiging ka-love team ko po si Kuya Zaijian. Kuya po ‘yon ha, wala pong ano, kuya po talaga ‘yon. Para pong mabibigyan namin ng justice ‘yung role,” nakangiting pahayag ni Xyriel.

Kahit hindi na madalas nagkakasama o nagkakausap ay nananatili namang magkaibigan sina Zaijian at Xyriel. “Sa friendship po namin kahit hindi po kami magkausap or hindi po kami nagkikita talaga, as in parang once in a blue moon na lang po. Kapag nagkita naman po, kapag nag-usap, parang wala naman pong nangyari, wala pong nagbago,” giit ng dalaga.

Noong kasagsagsan ng pandemya ay magkakasama dapat sa isang proyekto sina Xyriel at Zaijian. Tinanggihan lamang ito ng aktres dahil sa takot na lumabas ng bahay. “Mahirap pong mag-risk. Tapos sakitin pa po ako eh. Lock-in pa po ‘yon. Mahirap po,” paliwanag ng aktres.

Aljon, masaya sa kanyang ‘lalabs’

Kasama na ngayon nina Karina Bautista at Aljon Mendoza bilang host ng Bida Star Singer ang Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 housemate na si Anji Salvacion. Ayon kay Aljon ay talagang nasubaybayan niya sa PBB si Anji at aminadong napahanga siya sa dalaga. “Sobrang humanga talaga ako kay Anji no’ng napanood ko siya sa PBB. Like sobrang tapang niya at may paninindigan. Alam niya ‘yung gusto niyang gawin. So curious talaga ako and knowing na kasama namin siya rito sa pagho-host sa Bida Star Singer, sobrang happy ko. Kasi hindi pa kami nakakapag-usap after niya nag-PBB kaya looking forward ako do’n. Pero siyempre dito sa Bida Star at least virtually kasama namin siya,” pagbabahagi ni Aljon.

Masayang-masaya ang aktor sa takbo ng kanyang karera ngayon. Matatandaang tatlong taon na ang nakalilipas nang lumabas si Aljon mula sa PBB house at ngayon ay kabi-kabila ang ginagawang mga proyekto. “Sobrang happy, sobrang fulfilling. Ngayon nagagawa ko ulit ‘yung gusto kong gawin ng physical tapos kasama ko pa ‘yung aso kong si Lalabs na nakuha ‘yung name niya sa Viral Scandal. Sobrang happy ko,” giit ng binata.

Umaasa si Aljon na mas marami pang proyekto ang magagawa nila ni Karina na magkasama. Patuloy na dumarami ang mga tagahanga ng tambalang KarJon. “Open naman kami do’n palagi. Hindi naman namin kino-close ‘yung possibility na mangyayari ‘yon. Open naman kami kahit anong mangyari. Suportado namin at may tiwala kami sa management, sa Rise Artists, sa Star Cinema, sa Star Hunt, kung anong plano sa amin. Alam namin na ‘yun ‘yung best para sa aming dalawa,” paglalahad ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

ZAIJIAN JARANILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with