^

PSN Showbiz

Gretchen, naloka sa mamahaling relos ni Sen. Bato

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nakakaaliw ang side comments ni Gretchen Barretto habang pinapanood ang Senate hearing sa isyu ng E-sabong na may mga nawawalang sabungero.

Inimbitahan si Mr. Atong Ang sa naturang hearing nung nakaraang Lunes at ipinost ni Gretchen sa kanyang IG story ang mga komento niya habang iniimbestigahan ni Sen. Bato dela Rosa si Mr. Ang at ibang witness na nandun sa hea­ring.

Naiirita siya kung paano magbato ng tanong si Sen. Bato na dapat ay doon na lang daw sa isyu mag-focus sa imbestigasyon. “Get down to business Bato. Stop grandstanding. Just get down to the investigation,” bulalas ni Gretchen habang pinapanood sa TV ang naturang senate hearing.

Napansin pa niya ang suot na relo ng naturang senador na napakamahal daw nito. “Ang mahal ng relo ni Bato. Saan kaya nanggaling ‘yan? “My God! A Senator has that watch, Oh my gosh!” sabi pa ni Gretchen.

Wala kaming ideya kung anong klase ng relo ang suot ng senador, para pansinin ito ni La Greta!

Patuloy ang pagkuwestiyon niya sa paraan nang pagtatanong ni Sen. Bato, na sinabi niyang dapat ay abogado talaga ang magtatanong sa ganung hearing. “Tingnan mo nga ang line of questioning niya. Kailangan talaga lawyer ang mga nakaupo. My gosh! Dapat sa ‘yo ano game show,” sabi pa ni Gretchen na halatang naiirita na sa pinapanood niya.

Pero kahit ano pang isipin at sabihin nila kay Gretchen na alam naman ang partnership nito kay Mr. Ang, hindi siya nakakalimot sa mga nangangailangan at tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong niya sa lahat, lalo na sa mga frontliner.

Ang latest na pinadalhan niya ng love box niya na may bigas at groceries ay frontliners sa Makati Medical Center.

As friends? Paolo at Yen, HHWW sa Makati

Nagkalat na kung saan-saan ang vloggers kaya ang dali talagang nakakakuha ng mga scoop.

Paborito nilang kunan si Paolo Contis na sa Makati na yata ngayon nakatira, kaya nakukunan ito kapag nasa labas.

Ang latest na ibinahagi ng isang vlogger ay ang kuha ni Paolo na naglalakad sa Rockwell kasama si Yen Santos.

Parang recent lang ito nakunan, sa gitna ng isyung break na raw sila ni Yen.

Siyempre, hindi ako sinasagot ni Paolo nang tinanong ko dahil ang sinasabi naman niyang madalas niyang nakakasamang kumain sa labas ay ang mommy niya at ang kanyang kuya.

Ewan ko lang kung nasalubong nila roon si Yen at ipinakilala niyang ‘friend.’

Laugh emoji lang ang sagot ni Paolo nang tinext ko sa kanya kung ganun nga ba ang nangyari o holding hands while walking sila as a friend?

Basta ang latest lang na tsinika sa amin ni Paolo, abala raw siya ngayon sa Bicol sa mga sinu-shoot niyang video para sa gagamiting campaign materials ng ini-endorse niyang Ako Bicol Partylist.

Dingdong, napa-macho dance

Congratulations kay Dingdong Dantes sa mataas na rating ng pilot episode ng game show niyang Family Feud.

Maganda naman ang feedback at masayang panoorin ang naturang show kaya maaring tuluy-tuloy na tututukan ito ng mga televiewers.

Ang saya rin nung nakaraang Martes na episode na kung saan naglaro ang grupo ng Little Princess at ng Prima Donnas.

Ang grupo ni Jo Berry ng Little Princess ang nanalo na noon pa man ay super fan pala ng Fami­ly Feud. Pinagawan pa ng production ng Family Feud ng hagdanan si Jo Berry para umabot siya sa podium at pumantay sa mga kasamahan niya.

Napasayaw pa nila ng macho dancing si Dingdong.

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with