^

PSN Showbiz

Kim, nagpagawa ng home studio

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagpa-renovate si Kim Chiu sa ikatlong palapag ng kanyang bahay. Dati itong walk-in closet na ginawang home office ng aktres ngayon. Ipinasilip ng dalaga sa kanyang YouTube Channel ang bagong gawang bahagi ng kanyang tahanan. “Sobrang excited ko talaga na ipakita ‘to sa inyo and how it turned out. And I’m proud to say that this is designed by a Cebuana interior designer. She’s the best friend of my sister,” pagbabahagi ni Kim.

Naisipang magpagawa ng home studio ng aktres dahil madalas umanong magtrabaho ngayon sa loob lamang ng bahay. “Kasi now marami nang mga Zoom meetings. Tapos ‘yung mga ganap sa Zoom na. So dapat maganda ‘yung lugar, presentable. And marami na ring content na ginagawa sa bahay. So I decided na ‘yung closet ko, ‘yung mga luma kong clothes ay pinamigay na namin. ‘Yung iba tinago ko but mostly wala na sila. So now, ginawa ko na siyang home office studio,” paglalahad niya.

Masayang-masaya si Kim sa kinalabasan ng kanyang bagong home studio. “Happy talaga ako sa naging outcome ng room na ito. Parang ibang area siya ng bahay namin. It’s cozy, super nice. Mara­mi rin akong napanood sa mga YouTube videos ng mga vlogger na ‘yung extra area nila, pinapa-renovate nila and ginagawa rin nilang studio area, pinapaganda nila. At least ngayong pandemic nakita natin  na meron palang lugar sa bahay natin na pwedeng ayusin. Ten years na ako sa bahay ko, para kasing bodega na siya ng mga damit. So ngayon ko lang siya naisipan na gawin siyang office studio,” pagtatapos ng aktres.

Julia, dama ang chemistry nila ni Awra

Malapit na magkaibigan sina Julia Barretto at Awra Briguela. Ayon sa aktres ay talagang napamahal na rin sa kanyang pamilya ang dating child star at online sensation. “I have been friends for a long time na and I think we just bonded more and got closer more because Awra has already grown. Kumbaga she has already matured and blossomed into a beautiful woman. So I feel like we’re able to connect more now because we’re able to have deeper conversations and deeper understanding of each other. I love Awra so much and my family does, too. My whole family loves her because she’s a true friend,” nakangiting pahayag ni Julia.

Magkasama sina Julia at Awra sa pelikulang The Seniors na napapanood na ngayon sa pamamagitan ng Vivamax. Hinding-hindi raw makalilimutan ng aktres ang isang eksenang ginawa nila ng kaibigan para sa naturang proyekto. “I remember we did this scene na ‘yung location namin parang tea place. After doing that scene where she said, ‘Yung buhay mo parang pang-teleserye. ‘Yung sa akin pang-BL series.’ After that scene Awra and I looked at each other and said, ‘Aaaaaw! You know we have chemistry!’ I love this girl,” natatawang kwento ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with