^

PSN Showbiz

Bea, kinabog si Kris sa pagpa-powertrip

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bea, kinabog si Kris sa pagpa-powertrip
Bea
STAR/ File

Talagang powertrip to the highest level ang feeling ni Bea Alonzo nang ipaalis nila ni Shirley Kuan ang name ko sa invited list ng press para sa launch ni Bea sa Beau­tederm ni Rhea Tan.

Kahit kay Kris Aquino na anak ng isang hero, Presidente ang mother at kapatid, at pamilya Cojuangco, never nag-powertrip na tulad ni Bea Alonzo. Ok lang na ayaw niya akong makita o kausapin, pero sana naman iginalang niya ang may-ari na si Rhea Tan na magbabayad ng magagastos sa launching.

Ok din na ayaw niya sa akin, pero ang isali sina Salve Asis at Gorgy Rula, bonggang powertrip na talaga.

Feeling super mega star of all season, pinaka-influential na puwedeng mag-cancel sa three writers ‘pag ayaw niya, wow, salute to Shirley Kuan for giving in sa request ng kanyang pinaka-precious na alaga. Bongga!

Sana makatulong ang power ni Bea Alonzo para maging top selling ang product na ie-endorse niya. Sana kung feeling niya maganda siya, maganda rin pati ang ugali niya para perfect at hindi magkaroon ng wrinkles sa inis ang kanyang face.

Sana mapatunayan niya na better siya kesa kay Julia Barretto para hindi siya na-ghosting ni Gerald Anderson. At sana masagot ang maraming ‘sana’ sa buhay niya para maging Beautederm siya forever. Bongga.

Pero ang isang sure ako, sobrang hanga ako sa bait at PR ni Rhea Tan.

Alam ko na naging malaking problema sa kanya nang i-request nina Bea Alonzo at Shirley Kuan na ipa-cancel tayong tatlo nila Gorgy sa presscon ng Beautederm.

Siguro nga naloka rin si Chuck Gomez dahil ngayon lang siya naka-encounter ng endorser nila na nakialam sa listahan ng invited press. Bongga talaga na pagbigyan ang ilusyon ni Bea na very influential at powerful siya, hah hah, at least magkaroon siya ng illusion of grandeur kahit isang araw lang.

At dahil sa ang bait ni Rhea Tan ng Beautederm, pray pa rin namin nina Gorgy at Salve na sana maging bongga ang pagsali niya sa mga Beautederm ambassadors. Mabuti na lang at marami naman ang endor­sers ng Beautederm, sure kami na ‘yung karamihan sa kanila will welcome us sa presscon, hindi kami pagpa-powertrip, hindi kami paplastikin dahil mga totoong tao sila na marunong tumanggap ng constructive na pagpuna sa kanila.

Thank you, Rhea Tan ng Beautederm. Thank you, Chuck. Bea Alonzo is Bea Alonzo, tama ka Shirley Kuan, parang Anna Dizon lang iyan, hah hah hah!!!

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with