^

PSN Showbiz

Bea, naapektuhan sa isyung mukhang tita?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bea, naapektuhan sa isyung mukhang tita?!
Bea
STAR/ File

Ahhh nasa bansa na pala si Bea Alonzo from Spain.

Magkakaroon siya ng press launching for Beautederm, face-to-face event sa Friday.

Pero ang nakakaloka, pinatanggal diumano ni Bea at ng kanyang ma­nagement team ang pangalan ni Nay Lolit Solis sa mga imbitadong press sa Biyernes.

Hahaha.

Uso pa pala ‘yung ganun. Very ‘90s.

Kaya kahapon, hindi nakapagpigil si Nay Lolit sa live episode ng Take It! Take It! Me Ganon?! with Mr. Fu na napapanood sa social media platforms ng Pilipino Star NGAYON.

Tumalak siya at inulit na mukhang tita na ang actress.

Feeling ni Nay Lolit naapektuhan si Bea sa mga sinasabi na mukha siyang tita ni Alden Richards sa gagawin nilang local adaptation ng Korean drama series na Start-Up sa GMA na opinion lang naman pero may semblance of truth.

Pero ‘pag nakita raw niya ang actress, babatiin naman   ito ni Nay Lolit.

Presidential candidate, magiging lolo na!

True kaya na magiging lolo ang isa sa mga presidential candidate?

Diumano’y preggy na ang girlfriend ng anak ni presidentiable na 20 years old at nasa showbiz na rin.

Sister ng isang young actress na hindi pa gaanong kilala ang diumano’y nabuntis ng anak ni presidentiable.

Handa naman daw panagutan ng anak ni presidentiable ang responsibilidad sa karelasyon.

Hindi na bata ang 20 years old kaya wala naman siguro talagang magiging problema.

BEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user