^

PSN Showbiz

Kit, desididong tuluyan nila Ana?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Lusot sa marijuana noon…

Kung nakalusot si Kit Thompson noong nahuli siya noon sa isang music festival sa Clark dahil sa marijuana, ngayon natikman din niya kung papaano humimas ng rehas.

Noon kasi kahit huling-huli na siya, hindi siya nakasuhan dahil menor de edad pa siya.

Naproteksiyunan siya ng ginawang batas ni Kiko Pangilinan na nagliligtas sa menor de edad sa kaso kahit na ano pang krimen ang kanilang gawin.

Ngayon naman dahil sa kalasingan, at selos diumano, inumbag nang todo ang syota niyang sexy star na si Ana Jalandoni, na talagang halos wasak ang mukha. Nakatawag naman si Ana at nakahingi ng tulong sa kanyang mga kaibigan at sa pulisya. Noong dumating naman daw ang mga pulis, hindi na pumalag si Kit. Dinala sa ospital si Ana na inumbag niya, at siya naman diretso na sa presinto, at ngayon nga ay naghihimas ng rehas na bakal.

Sinampahan si Kit ng kasong violence against women at sinabi ng kapatid ni Ana na desidido silang harapin sa korte si Kit.

Pero hintayin muna natin dahil baka naman makipagkasundo pa rin si Ana kahit na inumbag na siya ni Kit.

Ate Vi, ‘di nakakaramdam ng pagod

Kahit na panay ang biro ni Ate Vi (Vilma Santos) na mahigit isang taon siyang hindi luma­labas ng bahay dahil sa COVID restrictions, nang makita naman siya ng publiko noong isang araw sa celebration ng Bagong Lipa, marami ang nagsasabing ang hitsura niya ay wala pang trenta. Batambata nga ang dating ni Ate Vi, at ang resistensiya ng kanyang katawan – walang pagbabago.

Ang kuwento nga niya, doon na sila nag-almusal sa site ng bagong City Hall ng Lipa, na pinangarap niyang magawa noong panahong mayor pa siya ng lungsod, na hindi naman nagawa dahil sa kakulangan ng pondo.

Noong isang araw ay nagkaroon na ng groundbreaking at sabi ni Ate Vi, siguro sa loob ng tatlong taon may bago na silang City Hall sa lungsod.

Walang pahinga iyon, diretso siya sa itatayong “trading center” na magiging bagsakan ng mga local produce ng Lipa, para matulungan ang mga magsasaka, at ang mga mamimili rin na makakuha ng produkto na mas mura. Nawawala na kasi ang “middle man.” Inaasahan din naman na dadayuhin iyon ng mga mangangalakal para doon na kumuha ng kanilang paninda.

Tapos tuloy naman siya sa pinagandang Plaza Independencia na inaasahan naman niyang dadayuhin ng mga turista.

Tapos umuwi lang sandali para magpahinga nang kaunti at magbihis, tuloy naman siya sa pagbubukas ng Cultural Center ng Lipa, kung saan tumugtog sa unang pagkakataon ang CCP Philharmonic Orchestra, na dinaluhan hindi lamang ng mga opisyal na local kundi foreign dignitaries din.

“Aywan pero parang hindi talaga ako nakaramdam ng pagod noon. Masaya ako kasi bago natapos ang aking term nasimulan ang lahat ng mga pinangarap kong mangyari sa Lipa noong mayor pa lang ako. Kahit wala na ako sa posis­yon, nariyan naman si Ralph (Recto) na makakatingin sa completion ng lahat ng iyan.

“Nagkahalu-halo na yata ang sinasabi ko. Wala naman akong prepared speech talaga. Humingi lang ako ng listahan ng mga naroroong opisyal at mga bisita, baka may makalimutan ako nakakahiya. Tapos kuwento na lang ang ginawa ko talaga. Pero proud ako, maiiba na talaga ang hitsura at kalagayan ng Lipa, ganoon din ang mga mamamayan ng lungsod,” sabi pa ni Ate Vi.

Aktor, pinagsasabay ang girlfriend at gayfriend

Mukhang hindi nga nagpaalam ang isang male star sa kanyang gay lover na mayroon na siyang girlfriend.

Noong una pala kasi, ang idea niya ay sikreto lang ang kanilang relasyon, pero bigla ngang inilabas ng girlfriend sa social media na magsyota na sila. Napilitan na rin siyang umamin.

Siyempre galit din naman ang gay lover na malaki na ang gastos sa male star at sa pamilya noon. Bale magtatatlong taon na ang kanilang relasyon. Kumalma lang ang gay nang sabihin ng male star na kahit may syota na siyang babae, wala namang magbabago sa relasyon nila.

Papaano kaya kung malaman ng girlfriend na si boy pala ay may gay friend pa rin?

vuukle comment

CLARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with