^

PSN Showbiz

National Women’s Month, pinagdiwang ng FDCP sa Cine FILIPINA

Pilipino Star Ngayon

Sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso, idinaraos ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang ikalawang Cine Filipina na nagtatampok ng mga film screenings, talkbacks, mga panel discussion, at mga aktibidad sa FDCP Channel platform.

Ang Cine Filipina: Juana Tungo Sa Kaunlaran ngayong taon ay nag­lalayong ipagpatuloy ang pagkilala sa mga natatanging kontribusyon ng kababaihan. Sa pamamagitan ng film festival na ito ay nilalayon na mas lalong maunawaan ang kanilang kalagayan nang mas mainam silang masuportahan sa kanilang paglalakbay habang patuloy nilang pinayayabong ang lipunan.

Ang festival ay idinaraos nang virtual sa FDCP Channel (fdcpchannel.ph) habang mayroon ding mga limitadong pisikal na screening sa Cinematheque Centres sa Pilipinas.

Si Issa Liton ang nagsilbing tagapagpadaloy ng programa, tampok dito ang espesyal na pagtatanghal mula kay Bayang Barrios, panimulang pagbati mula kay FDCP Chairperson at CEO Liza Diño, at maikling panayam kasama ang filmmaker na si Martika Ramirez Escobar, ang kauna-unahang Filipina feature film director na nakasungkit ng Special Jury Award for Innovative Spirit sa Sundance Film Festival. Sinundan ang programa ng one-time free scree­ning ng short films ni Escobar.

“For the second consecutive year, FDCP Channel aims to continue highlighting women’s achievements and milestones through Cine Filipina. With the year’s theme ‘Juana Tungo Sa Kaunlaran,’ borrowing from this year’s National Women’s Month subtheme ‘Agenda ng Kababaihan, Tungo Sa Kaunlaran,’ the film festival puts the spotlight on women and the way they participate in the conversations, journeys, and revolutions of an ever-changing society,” sabi FDCP Chairperson at CEO Liza Diño sa kanyang panimulang pagbati.

Tatlumpu’t dalawang pelikula ang kabilang sa opisyal na seleksyon ng Cine Filipina: 17 na short films at 15 na feature films.

Nagkaroon din sila one-time free screening ng pelikulang Insiang ni Pambansang Alagad ng Sining Lino Brocka.

Mula Marso 7 hanggang 27, 11 na women-centered short films mula sa CineMarya Women’s Short Film Festival 2020 ang maaaring mapanood nang libre sa FDCP Channel.

Maaaring nang maarkila simula Marso 7 ang digitally-restored at remastered version ng Filipino drama film na Hanggang Kailan Kita Mamahalin ni Olivia M. Lamasan mula sa ABS-CBN Film Restoration – Sagip Pelikula. Ang pelikulang unang ipinalabas noong 1997 at pinagbibidahan nina Lorna Tolentino at Richard Gomez ay magiging available for rental sa halagang P120. Accessible ang pelikula sa loob ng pitong araw matapos ang subscription, at maaaring mapanood sa loob ng 48 oras matapos ang first play nito.

Ang FDCP Channel Game Nights : Cine Filipina naman ay gaganapin sa Marso 26, 7 p.m. sa FDCP Channel Events tab, habang ang official closing ceremony ng Cine Filipina ay idaraos sa Marso 27, ipapalabas ito nang live mula 7 p.m. hanggang 8 p.m. sa FDCP Channel Events tab.                         

FDCP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with