^

PSN Showbiz

Sheryl, napa-throwback sa loveteam nila ni Romnick

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon
Sheryl, napa-throwback sa loveteam nila ni Romnick
Sheryl Cruz

Kinikilig din daw si Sheryl Cruz tuwing napapanood niya ang mga eksena ng mga Prima Donnas loveteams na sina Jillian Ward at Will Ashley, Sofia Pablo at Allen Ansay, at Althea Ablen at Bruce Roeland.

Bigla raw kasing naalala ni Sheryl ang panahon na patok na patok ang loveteams noong dekada ‘80 sa kinabilangan niyang teen variety show na That’s Entertainment. Kabilang kasi ang loveteam nina Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta sa top loveteams ng bansa. Kasama rito ang loveteam nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher, Kristina Paner at Cris Villanueva, and Manilyn Reynes at Janno Gibbs.

Magkaiba raw kasi ang paghanga ng fans noon sa fans ngayon.

“Nakakatuwa lang silang tingnan kasi napapa-throwback ako. It was a happy time for us noon kasi ‘yung adoration ng fans that time grabe. May mga nag-aaway pa noon. And this was before social media was ever invented.

“Noon kasi ang ans kasi sobra ang dedication nila sa bawat loveteams. Kaya effort sila na puntahan kami noon sa Broadway Centrum, sa mga shootings namin out of town at sa mga provincial shows. Tapos ubusan ng sampaguita. Paramihan ng pagsabit sa amin.

“Ngayon kasi, more on social media ang fans, ‘di ba? May venues that they are not allowed to enter. And because of the pandemic, bawal muna ang magpa-selfie or ‘yung magkaroon kayo ng fans’ day. Lahat online na. But what’s good about social media is pati ‘yung fans ninyo sa ibang bansa, madali mo nang makausap at makumusta.”

May payo ba si Sheryl sa new breed of loveteams ngayon?

“Siguro ang maipapayo ko for them is to love what they are doing right now. Be more focus and know your priorities. Itong big break na binigay ng GMA sa kanila is something na dapat pangalagaan nila. If they want to be in showbiz for a long time, they have to be smart in their decisions sa kanilang sarili. Ako kasi, nagsimula ako as a child actress and I know the value of working hard. Most of these kids naman, nagsimula rin sila as child stars, kaya nakikita ko naman kung gaano sila kasipag. Just know your priorities and everything will be okay.”

Britney, burado na naman ang social media account

Nanggulat na naman ang former Teen Pop Queen na si Britney Spears dahil deleted na ulit ang kanyang Instagram account.

Nagtaka ang higit na 40 million followers ni Britney sa IG na hindi na nila mahanap ang account nito. Pero ang kanyang Facebook at Twitter ay hindi naman nawala. Nagpadala ng mensahe via Twitter si Britney na: “Don’t worry folks ... just taking a little break from social media to celebrate my engagement.”

Engaged ang 40-year-old singer sa 27-year-old model and personal trainer na si Sam Asghari. Nataon pa raw ang pag-delete ni Britney ng kanyang IG account sa paglabas ng balita na binayaran siya ng isang publication ng $15 million para sa isang tell-all book.

Isasama raw sa book ni Britney ang mga pinagdaanan niyang hirap noong under conservatorship siya ng kanyang amang si James Spears for 13 years. Napawalang-bisa na ng korte ang pagiging legal guardian ni James kay Birtney noong 2021.

Mga huling posts ni Britney sa IG niya ay hubo’t hubad siyang tumatakbo at nagtatampisaw sa beach dahil birthday that time ng kanyang fiance.

SHERYL CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with