^

PSN Showbiz

‘Cheers to many more years’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
âCheers to many more yearsâ

#Grateful #Thankful #Blessed. Yes thank you, Lord.

Happy 36th, Pilipino Star NGAYON.

Grabe parang ganun lang, four years na lang apat na dekada na pala ang PSN. Pero matibay, lumalaban at hindi susuko kahit kailan.

Maraming salamat po sa mga mahal naming readers na nanatiling faithful / loyal.

Parang panonood din ng TV ang pagbabasa ng dyaryo, hahanapin mo. Force of habit lalo na sa mga may edad. Iba ang ligaya.

And of course, malakas ang online presence ng Pilipino Star NGA­YON na producer ng sikat na digital program na Take It! Take It! MeGanon?! (dating Take It... Per Minute! Me Ganon?!).

In all fairness, kami lang ang nakapag-produce ng digital talk show na talagang pinag-usapan.

Lalo na sa ang mga throwback chika ni Nay Lolit Solis. Hahaha.

Like last Tuesday, throwback ang kuwento niya tungkol kay Mother Lily Monteverde nang mag-Hong Kong sila.

Sila raw ang roommates. At siguro raw pinagdududahan siyang ‘nanakawin’ niya ang bag kaya itinago ito ng Regal matriach.

The following day, hindi raw makita ni Mother Lily kahit anong kalkal nila sa buong room at sa mga maletang dala nila ang nasabing bag.

‘Yun pala nilagay ni Mother Lily ang kanyang bag sa ‘toilet bowl tank’ sa comfort room.

Yup, tinanggal ang tubig nito at saka doon isiniksik ang bag niya.

More than half a day raw bago nila nakita ang nasabing bag na nasa toilet bowl tank. Hahaha. #ClassicMother #ClassicLolita.

Salamat po ulit sa mga loyalista ng Pilipino Star NGAYON. Thank you, Lord. Thank you, Sir Miguel Belmonte.

Cheers to many more years!

 

PILIPINO STAR NGAYON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with