^

PSN Showbiz

Matured at stable na!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Bongga ang Pilipino Star NGAYON, Salve. Imagine 36 years old na siya, isa nang ganap na matured at stable kung naging tao, kaya nga very credible tabloid dahil sa tagal sa industriya ng diyaryo.

Ang sarap na kasama ka habang growing old ang iyong kumpanya, ‘yung nakikita mo ang growth nito.

Masyadong mahaba ang naitanim ng PSN sa readers kaya hanggang ngayon nandiyan sila at suportado ito.

Bongga talaga, grateful na tuloy ang suporta nila Papa Miguel Belmonte sa ating PSN at Pang Masa kaya naman happy ang lahat ng empleyado.

At maraming salamat sa lahat ng readers hindi lang ng PSN kundi PM dahil sa walang sawa nilang suporta. Sila ang dahilan kung bakit nagtagal ng ganito ang PSN at lalo pang tatagal. Bongga talaga!

Mayor Joy, buhos ang puso’t diwa sa QC

Birthday pala ng favorite mayor natin, Salve, si Mayor Joy Belmonte. Tala­gang siguro wala man lang special party si Mayor Joy dahil nga sa very busy at napaka-hectic na sked nito. Sobra sa sipag talaga at kitang-kita mo na halos wala nang pa­hinga kaya baka lumagpas lang na parang ordinaryong araw ang special day niya.

Hindi naman bulag ang mga taga-Quezon City para hindi makita kung gaano kamahal ni Mayor Joy ang QC na pinakamamahal niyang city, nandito ang puso at diwa niya, kaya sure akong ibabalik din nila ang pagmamahal na iyon.

Forever Joy ang QC. Happy birthday, Mayor Joy.

PILIPINO STAR NGAYON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with