^

PSN Showbiz

Kylie at Carla, halos pareho ang pinagdaanan sa asawa?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Tulad din ng stand ni Robin Padilla sa kaso ni Aljur Abrenica, sinabi ni Rey “PJ” Abellana na mukhang karaniwan na sa isang lalaki ang nagkakaroon ng extra marital affairs paminsan-minsan.

Sinabi niyang umamin naman si Tom Rodriguez na asawa ng kanyang anak na si Carla Abellana na siya ay nagkaroon ng fling sa isang babae.

Pero kagaya rin ni Kylie Padilla na hindi tinanggap ang paliwanag ng ama, hindi rin tanggap ni Carla ang sinabi ni PJ na talagang nangyayari ang ganoon sa isang lalaki. Hiniwala­yan ni Kylie si Aljur at hiniwalayan din naman ni Carla si Tom.

Pero sino nga bang babae, lalo na sa show business ang hindi nakaranas ng ganyan? Hindi namin sinasabing maluwag ang moralidad sa show business, pero isang bagay ang hindi maikakaila. Magagan­da ang mga tao rito, kaya malapit sa tukso. Ang tanong lang papaano nga ba nila iniiwasan ang tukso.

Talaga bang natural sa lalaki ang ganoon? Hindi mo masasabing pogi kasi ang mga asawa nila kaya lapitin ng tukso. Hindi mo rin masasabing may pera kasi sila kaya madaling kumagat sa tukso.

Mayroon nga kaming kakilala na walang-wala naman, mukha pang tukmol pero nambababae pa. Pero hindi namin sinasabing dahil karaniwan nilang ginagawa, iyon ay tama. Mali pa rin talaga ang ganun.

Kung may mga babaeng liberal ang pag-iisip at napagbibigyan ang kanilang mga mister sa paminsan-minsang kakaibang hilig, may mga babaeng gaya nina Carla at Kylie na hindi pinapayagan ang ganoong bagay, at hindi mo sila masisisi.

Minsan sinasabi rin naman nila, sa show business ay may double standards. Kasi hindi nila kinokondena kung ang babae ang nang-iiwan sa kanilang asawa at sumasama sa iba.

Ang daming kaso ng mga artistang babae na pasabit-sabit, pero mukhang mas tanggap iyan sa show business. May mga babae pa ngang ang pinapa­tulan ay mga kapwa babae, at mukhang tanggap din nila. Pero ang lalaki basta pumatol sa bakla, malaking tsismis.

At ilan din bang lalaki sa show business na may karelasyong bading? O ‘di kaya ay nagmula sa pakikipagrelasyon sa bading? Marami rin iyan sa show business bagama’t talamak ang bading.

Tanggap nila ang mga lalaking nambababae, pero hindi ang babaeng nanlalalaki. Tanggap nila ang mga babaeng pumapatol sa tomboy, pero ang lalaking pumapatol sa bakla ay hindi. Iyan nga ba ay matatawag lamang na maluwag na moralidad sa show business?

Villar TV, malakas na kalaban

Siguro nga dahil sa tindi ng pagpasok sa negosyo ng mga Villar, na nauna sa housing, at ngayon ay pumasok na rin sa convenience stores, at maging restaurants at coffee shops, aba eh mukhang iniilagan sila sa kanilang pagpasok sa bagong venture, ang media broadcasting at entertainment. Masyado kasing maingay ang biglang pagre-resign ni Willie Revillame sa kanyang show, at hindi naman lihim na siya nga ay papasok sa broadcasting network ng mga Villar.

Pero sa tingin namin, maganda iyan dahil magkakaroon ng kumpetisyon. Kailangan din na may magpasok ng bagong puhunan sa entertainment.

Sa pagpasok nila riyan, maraming mga director, content producers, at mga artista na magkakaroon ng trabaho. Sa ngayon kasi, mukhang nasosolo ng GMA 7 ang market, dahil sinasabi ngang ang naglalaban ngayon sa ratings ay parehong istasyon nila.

Ang ABS-CBN, hindi pa nakakasiguro kung magkakaroon nga ba sila ng panibagong franchise, o mananatili na lang silang content producers para sa Zoe TV at sa TV5. Iyong mga kilos nila nasilat din nang ibigay ang kanilang ginagamit na frequency sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS).

Dapat bang matakot sila sa AMBS? Ang dapat gawin nila ay mas pagandahin ang content para hindi bumitaw ang audience sa kanila at hindi matakot nang matakot sa nagbabanta pa lang na kalaban.

Male star, dumidirekta na sa mga ‘kliyente’

“Ipapadala ko sa iyo ang mga picture niya na evidence ng mga ginagawa niyang ‘booking’,” ang sabi sa amin ng isang kilalang showbiz pimp na galit na galit sa isang male star na kung tawagin niya ay “director,” dahil nagdi-direct contact na raw iyon sa “clients” matapos niyang ipakilala. Kaya nawawala ang raket niya.

“Gusto kasi niyang kumita nang malaki dahil bago pa mag-pandemic talaga namang wala na siyang trabaho dahil nalalaos niya nang dahil din sa bisyo niya. Bastusan na nga ang sideline niya ngayon mas binabastos pa niya. Hindi naman tama iyon,” sabi pa niya.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with